Bad Shot
Kenji's
"Nice one, Mendez!" Sigaw ni Coach nang maka-goal ako.
Napagpasyahan kong ibabad ang katawan ko sa training tutal wala naman akong binabantayan at saka isa pa paniguradong may laban kami sa freshy day.
Tumakbo ako papunta sakaniya at s'ya naman itong ginulo ang buhok ko nang makalapit ako.
Iniaabot ni coach ang isang bottled water sa akin. "You're doing great!" Pamumuri n'ya pa na ngintian ko lang, tinapik n'ya pa ako sa balikat bago bumaling sa iba pa naming ka-team.
Hingal akong tumakbo papunta sa bench kung saan ko iniwan ang duffel bag at naupo doon habang umiinom ng tubig. Napakunot noo pa ako nang maubos ko iyon kaagad. Tang ina. Nakalimutan ko kasi 'yung tumbler ko, pati 'yung taga-hawak ng tumbler ko na panay reklamo wala rin saakin ngayon. Dapat ba akong matuwa kasi na kay Sir Anton na s'ya at sobrang payapa ng araw ko? Wala rin nang-iinis saakin.
Dapat ba matuwa ako?
Isinandal ko ang batok ko sa bench habang humahangos. Bumaling ako sa duffel bag ko at kinapa ang bulsa saka hinuhugot doon ang cellphone ni kamahalan na naiwan n'ya sa unit ko.
"Pati cellphone mo ang cute." Parang baliw kong bulong sa sarili habang tinititigan iyon.
His phone case is light blue in color and has a cinamorrol design, it's also heavy compared to my cell phone because of the things attached to his case.
I sighed and closed my eyes to rest it from light exposure and let my arms fall on my duffel bag. Nakaka-ramdam na ako ng gutom dahil sa dalawang oras na practice.
Gusto kong ayain si Koji na kumain kaso si Sir Anton naman ang kasama n'ya. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya s'ya? Sana masarap ulam n'ya ngayon, maarte pa naman s'ya.
"Excuse me?"
Naidilat ko agad ang mga mata ko nang marinig na may nagsalita malapit sa akin. Umayos agad ako ng upo nang makita ang isang babae sa harapan ko, pamilyar s'ya. May bitbit s'yang malaking box at mukhang hirap siyang buhatin iyon.
"Do you need something?" I asked while slipping Koji's phone on my duffel bag. I fixed my hair and looked at her directly.
"Ahm yes—Oh my God!" Muntik nang mahulog ang box at buti nalang ay nakatayo ako agad at nasalo iyon.
"Sorry! Oh my ... Sorry Kenji!"
My eyebrows knitted when i heard my name from her. She tried to pull the box on my hand because of embarrassment but I already put it on the bench.
"Uh.. Kilala mo 'ko?" I asked and lick my lower lips. Ngumiti lang s'ya sa akin at tinapik ako sa balikat dahilan para mapangiwi ako. Close ba kami nito?
"You already forgot? I followed you on insta." Masaya n'yang sabi saka hinawi ang buhok papunta sa likod n'ya. Napaisip ako at binasa ang labi.
Sino ba 'to?
"I'm sorry... I can't remember—"
"Avry!" Agap n'ya kaya napatango ako kahit hindi ko pa naman s'ya fully naaalala. Madali talaga ako makalimot lalo na kapag hindi ako interested sa isang tao.
"O—Oh, Avry? Hi." Malumanay na bati ko at s'ya naman itong malawak ang ngiti sa akin.
I sighed when I finally recognize this girl. It's Avry Enrique, Drei's dream, Drei's crush.
"So.. anong kailangan mo?" I asked while picking up the strap of my duffel bag and put it on my shoulder.
"Ahm.. can you help me to bring that box sa cafeteria, nandoon naman ang friend ko, e. Please?" Nakangiti n'yang pakiusap habang nakanguso. Peke akong ngumiti kahit halos mangilabot na ako sa ginawa n'ya, ano 'yon? gago.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
