Chapter 16

3K 101 103
                                        

Blue

Kenji's

"Hello? Koleen." Tawag ko kay Koleen sa screen.

"Tang ina mo." Galit na sagot niya nang makipag video call ako ng sobrang aga sakaniya, kinukusot n'ya pa ang mata n'ya saka ibinaling ang camera sa pader para hindi s'ya makita.

It's early in the morning, not just early, huh. But super Early. Four am palang kasi nagising na ako, nauna pa akong magising kaysa sa pagtunog alarm ko, e. Automatic lang na nagising ang katawan ko, siguro dahil wala rin akong sapat na tulog kakaisip kung papaano lilipat. Or baka wala talaga akong tulog?

"Bakit ka napatawag?" Galit na tanong n'ya ulit habang hindi parin nagpapakita sa screen ng laptop ko.

Humigop ako ng kape at nilasap iyon bago nagsalita. "Pumunta ka nga dito."

Rinig kong pang natawa s'ya. "Kung makautos ka naman, ang aga."

Natawa rin ako at saka humigop ulit ng kape habang nakaupo sa bar stool at nakatitig sa fish tank na katapat ko.

"Pumunta ka nalang!" Natatawa kong sabi saka humigop ulit.

"Bakit ba?" She whines and I heard her voice shake a bit as her screen was shaking like too, so I know she's stretching her body.

Ngumuso ako, pinipigilan ngumiti habang iniisip kung bakit ko s'ya pinapapunta. S'yempre lilipat na ako, e. Bakit ako lilipat agad agad? Tang ina ni Red.

"Ayaw mo?" I playfully asked her, waiting for her to say no.

"Ayaw ko!" She doesn't want to live here in the condo, huh?

"Bahala ka.." I smirked as I got off the bar stool and walked towards my fishtank, iniharap ko pa ang laptop doon para makita ko parin ang screen kahit wala naman s'ya doon.

The video call became quiet on the other line so I remained quite too, waiting for her respond.

"Ano ayaw mo?" Paguulit ko habang natatawang inaabot ang fish flakes at binasa ang nasa likod ng box. Napatitig nalang ako ro'n, hindi ko naman pupwedeng pakainin ang mga isda ngayon kasi nga ililipat.

"Sayang naman.." I whispered playfully.

Rinig kong humangos s'ya sa kabilang linya. "Sayang na ano?"

"Lilipat na ako ng condo, tulungan mo 'ko." Maikli kong sagot at pinigilang matawa, sigurado naman akong gusto n'ya ng lumipat ako dahil mapapasakaniya na 'tong condo. Matagal n'ya na ring inaasam-asam, e.

Medyo matagal s'yang natahimik kaya napakunot ang noo ko, tinignan ko pa ang screen at baka naglalag o baka namatay na 'yung vide call, pero hindi naman.

"Hello? Koleen?" Tawag ko sakaniya saka lumapit sa screen pero hindi s'ya sumagot.

"Hoy!" Sigaw ko pa at baka nakatulog ulit s'ya. "Kole!"

Wala paring sumagot. Napailing nalang ako dahil baka nakatulog na talaga s'ya, baka mamamatay na lang ako mag request pa s'ya ng five minutes kasi antok pa s'ya.

Itinuon ko ang atensyon sa mga isda, marahan ko ring kinakatok ang salamin at napapangiti sa tuwing maalala si Koji. Iyon kasi 'yung ginagawa n'ya noong pumunta s'ya rito. Lalo pang lumalawak ang ngiti ko kapag napapasulyap sa hair tie na nasa pulso ko. 'Yung pinahiram niya saakin kahapon, nakalimutan ko ng isauli.

Sayang wala 'yung phone ko sa'kin. Kung nasaakin 'yun baka ang dami ko ng pictures ng fishtank ko kahit hindi naman ako mahilig kumuha ng photos, sabay send sa Facebook account ni Koji. Friends pa naman kami.

"Ba't ngumingiti?"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita sa laptop ko. Akala ko ba tulog na 'to?

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now