Chapter 25

3.1K 97 89
                                        

Rumors

Kenji's

"Kompleto na ba kayo?" Sir looked at us one by one. "One... Two... There... Four... Five.... S-Where's Galdrei?"

Nagkatinginan kaming lima. Practice namin ngayong araw at wala pa rin si Drei! Active naman s'ya sa Facebook pero hindi nag re-reply.

"Red, where is he?" Tanong ni Sir, nanliliit ang mga mata. Habang kami naman ay nakatayo na sa pwesto namin, handa nang tumugtog. Si Drei na lang talaga ang kulang.

"Sus! Alam n'yo na dapat 'yon, Sir. Babae nanaman ang inatupag no'n! At saka... baka may mga new friends na rin." Halakhak ni Red habang nakapatong ang isang paa sa amplifier at nasa hita ang gitara.

"Eight am ang usapan, ah? Mag la-lunch na wala pa rin." Tumingin si Sir sa relo n'ya at napailing.

Math and Taslan laughed while me and Wesley checking him up on his Facebook account. Napapangiwi na lang kami dahil banal s'ya sa bawat share post n'ya. Damn, this man.

"Hi!"

Sabay-sabay kaming napatingin sa entrance ng studio nang bigla na lang sumulpot si Drei, alanganin ang ngiti at basa ang buhok. Hawak-hawak n'ya rin ang sangkatutak na bulaklak. Napailing kami ni Wesley at tumayo na ng maayos, sabay naming isinilid ang cellphone sa bulsa.

"Ayan na pala, e! Saan ka ba galing, pare? Kanina ka pa namin hinihintay! Mga.." nagbilang pa si Red sa kamay n'ya habang ibinababa ang paa sa sahig.

"Mga three hours na. Grabe 'no? Ang aga mo!" Red added causing us to laugh.

"I'm sorry, guys." Ibinaba ni Drei ang bag n'ya kasama ang mga bulaklak, at ngumiti kay Sir. "I'm sorry, Sir."

"Oo na, sige na. Magpapa-cute ka pa. Umakyat ka na ro'n." Ngumiti ng peke si Sir at itinuro ang pwesto ni Drei. "Saan ka ba kasi galing, ha?"

"May emergency meeting sa theater, e. So... I went there muna. Then umulan." Conyong paliwanag niya.

Tumango si Sir at napatingin sa mga bulaklak sa sahig. "Sa kanila 'to galing?"

Napatingin kaming lahat kay Drei, mabagal ang kilos n'ya. Parang kinakabahan. Hindi naman s'ya ganito, ah? Wala namang masama sa sinabi ni Sir?

"Y-Yeah, nalaman kasi nilang nanalo ako sa motocross."

Ayun naman pala, e.

Tumango kaming lahat, maliban kay Red. Umismid s'ya at sandaling umiling.

"Ngayon lang ba nila nalaman na nanalo ka, ha? Sa bundok ba sila nakatira? Kalat kaya sa Facebook na nanalo ka."

Ano bang problema nito?

Tinapik s'ya ni Math nang mapansin ang pag tahimik ni Drei. Pansin ko rin na aligaga ang mata n'ya, tila ba hindi kumportable sa naririnig.

Suminghap ako at sinipa si Red sa binti. "Ano ba, Red! Tumahimik ka na lang!"

Lumingon lang s'ya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Tama na 'yan! Let's start!" Sigaw ni Sir bago pa man ako sugurin ni Red. Taas noo na sana ako at papatulan s'ya, e. Ang gara ng bibig.

Mabilis na umakyat si Drei sa mini stage ng studio namin at umupo sa pwesto n'ya, napitikan pa kami ng tubig galing sa buhok n'ya. Nang makaupo ng maayos ay saka n'ya naman inayos ang wires sa baba ng keyboard.

"Drei,"

Magsisimula na sana kami nang tawagin ulit s'ya ni Sir. Malumanay ang boses n'ya pero rinig doon ang pagaalangan.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now