Chapter 22

3.5K 108 98
                                        

Help

Kenji's

"Ganito kasi 'yung next step!"

"How!?"

"Nakikinig ka ba? Ganito nga!"

"Uy, kumalma kayo. May natutulog pa."

Nakangiti kong idinilat ang mga mata ko kahit na may naririnig akong nag-babangayan sa labas ng kwarto. Kahit magsuntukan sila d'yan, ngingitian ko pa rin sila. Every day is lovely day from now on.

Simula kagabi kasi hindi na talaga mabura sa mukha ko ang ngiti. Siguro dahil pakiramdam ko pumapatol na ng harot si Koji. Oo, alam ko. Unang araw ko palang ng panliligaw ko kahapon, pero 'yung mga titig n'ya kagabi...

Iba.

Crush din ako no'n. Sigurado ako. Iba raw pag ako ang kasama, e? Ano pa nga bang ibig sabihin no'n? At saka isa pa, pumayag s'yang maging tatay ako ni Chico. Ang anak n'yang plushie.

Napatingin ako sa jelly fish stuffed toy sa tabi ko at napangiti. Ang sabi n'ya kasi kagabi ako na raw ang mag tago. What else does that mean? He trust me with our kid.

Bumangon ako at pangiti-ngiti pang tumayo saka dumiretso sa harap ng salamin. Timitig ako sa polaroid na nakaipit sa gilid. 'Yung kinunan n'ya kahapon, ibinigay n'ya rin sa'kin.

And that's the most adorable gift I've ever received.

"Lagi ka na lang mali! Kanina pa tayo paulit-ulit, Drei!"

"It's hard but I'm trying!"

Nadatnan kong nagsasabunutan sila Red at Drei sa may mini kitchen habang si Koji naman ay inaawat sila. Napapikit na lang ako ng mariin dahil umagang-umaga, nagbubugbugan nanaman.

"What the heck is happening?" Nagtakang usal ko habang isinasarado ang pinto.

They all turned to look at me. Red and Drei smiled, still holding each other's hair, while Koji looked at me like a lost child.

Blink twice if you need help, bro.

"Kenji! Help me!" Sigaw ni Drei na iniikot ang ulo n'ya dahil hawak parin ito ni Red.

"Ano bang nangyayari? Rinig na rinig ko kayo sa loob mga tanga." Sumandal ako sa pader at humalukipkip. Tinanguan ko pa sila ng isang beses.

"Ito kasing Drei, naka ilan na kaming take ng TikTok. Namamali pa rin!" Bumitaw si Red kay Drei at yamot na napahawak sa ulo n'ya.

"I'm trying! You bitch." Drei barked.

"You're trying? It's literally the easiest steps on TikTok! It's just fifteen seconds!" Red rolled his eyes and laugh mockingly.

"Mahirap nga!"

And the two of them continued to argue. Acting like a kids. Fighting just because of TikTok dance. Goddamn.

Gusot pa ang mukha ng dalawa habang nagbabangayan, halatang nasaktan sa sabunot nila. I shook my head and look at Koji's direction, he looks like a confused cat.

Nang magtagpo ang paningin namin ay agad s'yang naglakad papalapit sa akin. Nagtaka ako at napatayo ng tuwid. Bakit n'ya naman ako lalapitan? Para bigyan ako ng morning kisses?

S'yempre hindi.

Mabilis s'yang umupo sa may fishtank at pasulyap-sulyap sa akin. Halatang gusto akong unahang umupo. Wala naman akong balak makipag-unahan? Ni hindi ko nga inisip na umupo ro'n.

Nanliliit ang mga mata akong ngumiwi sakaniya. Kinakatok n'ya nanaman ang mga isda ko, maayos na rin ang buhok n'ya pero sleep wear pa rin ang suot. Dinamay lang yata s'ya ni Red sa tiktok, e. Siguro kanina n'ya pa inaawat 'yung dalawa.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now