Chapter 7

2.9K 102 23
                                        

Scent

Kenji's

"Kenji!" Sigaw ni Red na patakbong lumapit saakin at saka umupo sa lap ko na parang bata, ganito talaga sila kapag pumupunta saakin tuwing water break o pagkatapos ng training. Alam kasi nilang masakit na ang legs ko kaya pinapasakit nila lalo, perfect circle talaga 'di ba? Ang babait.

Tinanguan naman ako ni Math bago umupo sa gitna namin ni Koji at umakbay sakaniya, napatingin naman ako kay Koji na nakangiti lang din kay Math. Kapag ako umakbay sakaniya baka isumpa n'ya ako, tapos kapag kay Math ngiting-ngiti pa s'ya.

Napairap nalang ako at bumaling ang tingin sa kay Drei na nasa likuran lang namin at nakadiin ang mga palad sa sandalan ng bench. Patinging-tingin s'ya sa paligid.

"Nakauwi na raw si Taslan ah, sabi ni Wesley saakin."Malumanay na sabi ni Math. Napatango ako habang yakap-yakap si Red na mukhang may inaabangan rin. Nakauwi na pala ang loko, mukhang matinding asaran nanaman 'to mamaya.

"He's here!" Si Drei na biglang lumiwanag ang mukha at patalong-talon itinuro si Taslan na nag-lalakad sa field, papalapit saamin. Sana naman hindi sila mag rambulan dito.

"Taslan!" Sigaw ni Red na napatayo at mabilis na tumakbo para salubungin si Taslan, sumunod naman sakaniya si Drei. They're always like this, missing each other after separated for like... fucking two days.

Nang makalapit na sila saamin ay agad akong nginitian ni Taslan at saka umupo sa tabi ko, yumakap s'ya saakin kaya tinapik ko ang braso n'ya na nasa dibdib ko.

"Namiss mo ko 'no?" He asked with a confident face. I just smirked at him and pushed his chest.

"Lakas ah, kapag problemado tatambay sa yelo." Mapangasar akong ngumiti sakaniya, umirap naman s'ya saakin at saka lumipat kay Math na naka akbay parin kay Koji.

"Binasted ba naman ako.." sagot n'ya habang napapailing na nakayakap sa tiyan ni Math. Natawa kaming dalawa ni Math at nakipag-high-five sa Isa't isa.

"Sabi na, e!" Si Red na nasa likuran namin nakikipag-tawanan kay Drei.

"Kapag nasa Sorsogon, nag mo-move on 'yan for sure." Si Drei na napapailing rin.

"Tangina kasi, akala ko may chance. Ang lakas pa ng loob ko." Dagdag n'ya at saka nag panggap na naiiyak at inilagay ang kamay sakaniyang mata habang marahang umiling-iling. Tumingin si Koji saakin na parang pinapahiwatig na ginawa ko rin iyon kanina.

"Hindi ka muna kasi nakiramdam kung gusto ka n'ya, bago ka nag confess. Hindi ka naman pala gusto palong-palo ka naman." Seryosong sabi ni Math pero natawa parin kami dahil alam kong inaasar n'ya lang si Taslan. Tumingin sakaniya si Taslan at patango-tango s'yang niyakap nito.

"Salamat, Math, sa mga advices mong nakakasakit." Seryosong sagot naman ni Taslan pero tumawa naman kaagad kaya nahawa kami, nakakahawa kasi talaga ang tawa nitong gagong 'to.

Nang matapos humalakhak ay napatingin s'ya kay Koji at sa suot nito, itinuro n'ya ang cardigan na suot niya at ngumiti ng malawak. "Bagay sa'yo ang pink."

Namilog ang mata ni Koji at napangiti. Taslan is absolutely right about it, pink suits him well. Sumangayon naman ang iba sa sinabi ni Taslan, they'd shower Koji with a lot of compliments and the way he smiles, i know he love it.

Red sat on my lap and then Drei sat on him as well. I was about to push him but Drei was already sitting and the two of them were so heavy that I groaned.

"Ang bigat tangina!" Sigaw ko habang napapapikit pa dahil naiipit na ang hita ko. Mas napadaing pa ako ng bigla akong kilitiin ni Taslan sa tagiliran, rinig ko ring tumatawa silang dalawa ni Math. Natawa na rin lang ako dahil sa tawa ni Taslan.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now