Chapter 30

2.2K 67 28
                                        

Mad

Kenji's

"Good morning!" Bati ni Math habang nagsusuklay ng basa n'yang buhok, na kakababa lang galing sa kwarto nila Red.

Ngumiti ako habang inilalagay sa mga tupperware ang niluto namin ni Koji. Nauna kaming magising para naman walang makakita na sa iisang kwarto kami lumabas. Nakakahiya naman sa kanila.

Mga lonely people...

"Sabi ko good morning." Asar ba paguulit n'ya sa inis na boses.

"Good morning." I smiled uncontrollably.

"Luh? Ngiting aso, ah?" Si Red na ikinapawi ng ngiti ko. Pangiti ngiti pa sa akin habang nakasandal sa mesa. Parang may gustong sabihin 'tong gagong 'to.

"Pake mo? Baho ng hininga mo!" I barked. Natawa lang s'ya at hindi na sumagot.

Sunod na bumaba si Drei. Napakunot noo pa ako dahil sa dami n'yang bag na dala, hirap n'ya pa talagang bitbitin. Hindi na gala 'to, parang outing na.

"Ilog lang 'yun, Drei. Sa dala mo para kang mag a-island hopping sa palawan for three months." Biro ko at saka idiniin ang dalawang palad sa mesa.

"Wow, one hundred days maternity leave?" Red joined in, teasing playfully with a smile.

"May extension pa 'yan fifteen days." Math joined, making us laugh even more.

Nang makarating si Drei sa baba ay tumayo s'ya sa harap namin at umismid.

"Mas kailangan mo 'yun, Math, ikaw 'yung buntis." He hissed.

Mas humalakhak kami ni Red habang mapangasar na itinuturo si Math.

"Sasagot pa talaga 'to." Asar na sabi ni Math. Umirap s'ya at bumaling sa amin kaya agad kaming nanahimik.

"Umalis ka na nga! Para kang boy scout." Inis na hinawakan ni Math si Drei sa balikat nito at iniikot paharap sa pinto na para bang iginigiya n'ya ito paalis.

"Oo na aalis na! Bye!" Padabog na naglakad si Drei papunta sa mga maleta sa tabi ng couch. Sa kaniya pala 'yon.

Agad s'yang lumabas at hindi na kami nilingon. Teka...

"Hindi ba sasama 'yun?" Bigla kong tanong nang mapagtantong mas mauunang umalis si Drei kaysa sa amin.

Ngumisi si Red, "Nakakapag cellphone ka pa ba, Kenji? Hindi ka na talaga nagbabasa sa group chat."

"Sagutin mo na lang." Umismid ako na ikinahalakhak n'ya.

"Hindi s'ya sasama kaya tumulong na lang s'ya gumawa ng props kahapon." Sagot ni Math kaya pumaling ako sa kaniya, "Nanghihinayang nga kasi hindi raw n'ya makikita si Avry mamaya. Kaso ayon... theater pa more."

Nagtitigan kaming tatlo at sabay na napaangat ang gilid ng labi.

"Feeling artista..." Sabay-sabay naming bulong na may tonong mahinhin.

Sumeryoso agad ang mukha ni Math bago nagsalita ulit. "May trip sila kasama 'yung partner n'ya na akala n'ya babae, magsusulat sila ng script."

Kaya pala may malalaking maleta akong nakita kahapon. Akala ko naman kung ano. Pero sayang! Hindi n'ya makakasama crush n'ya. Chance n'ya na 'yun, e.

Nakatinginan nanaman kaming tatlo at sabay na napangiti.

"Feeling artista..."

Nagtawanan kaming tatlo. Tumulong na rin sila sa akin sa paghahanda ng mga pagkain. Si Red sa desserts, si Math sa mga snacks, ako naman sa ulam.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now