Chapter 19

2.8K 114 101
                                        

Chance

Kenji's

Math remained silent until we got home that night. He doesn't want to talk to me neither to look at me, and of course same with Koji.

Naging mailap s'ya saakin sa mga nagdaang araw. Even if I try to talk to him, I know he doesn't even give a shit to talk to me back, and he'll just leave me hanging.

Hindi n'ya na rin ako sinusungitan, mas naging mabait pa nga. He's so kind that I hardly remember how we interact with each other before. Everything has changed because of what I did.

Because of my selfishness..

Itinuon ko ang buong atensyon ko sa training ng football team namin at sa practice ng banda, para malibang na din. Hindi ko na muna kinulit si Koji at baka lumala lang ang sitwasyon, isa pa hindi ko pa alam kung papaano s'ya haharapin.

Si Math din ang palagi n'yang kasama kaya kampante ako. Kung minsan pa ay nakakasalubong ko siya sa campus kasama ang kambal, minsan si Poly, pero madalas talaga si Math ang kasama n'ya.

"Ba't kaya hindi sumama si Math?" Tanong ni Red habang papasok kami sa club nila Envo.

"Ewan." Nagkibit ako kahit alam ko naman kung bakit.

"Pansin ko...hindi kayo nag papansinan, ah?" Naglakad si Red paatras habang nakaharap saakin, walang pakialam kahit na may nasasagi s'ya.

Umismid ako. "Wala 'yun, tampuhan lang."

Tumango-tango nalang si Red at hindi nag tanong ulit. Agad s'yang tumakbo sa dancefloor at nakipagsayawan sa mga tao ro'n, gaya ng palagi n'yang gawain. Parang nakawala sa lungga kung maka sayaw.

Si Drei naman ay tahimik lang na nakasunod saakin habang naghahanap kami ng table. I swallowed hard when we walk passed at the big space table, where we sat when we did a gig here once. Good memories.

Na double-kill yata ako at dalawang importanteng tao sa buhay ko ang galit saakin. I've been left with nothing but party people, Red and Drei. So I've ended up going to various places in the past few days. Of course, I go along to have fun. Trying forget about some things.

I just realized that Red has nothing to do with my jealousy. Ni hindi n'ya nga alam na may gusto ako, at si Koji 'yun. Wala s'yang kasalanan, sadyang pinairal ko lang talaga ang selos ko.

"Dito nalang tayo," umupo agad ako nang makakita na kami ng bakanteng table. Si Drei naman ay umorder na rin ng alak.

Nang dalhin ni Drei ang case ng beer sa mesa ay agad akong nag salin sa baso. Natawa pa s'ya habang nilalagyan ng yelo ang baso n'ya.

"Chill bro," He scoffed.

I smirked against the rim of my cup.

"Are you heartbroken?" He asked again, causing my smile to fade away.

"No." Talaga lang, Kenji?

Ngumiti pa ako ulit para lang ipakita na ayos lang ako. Ayos bang dahilan 'yung gusto lang mag liwaliw? Kahit sa totoo lang ay gustong gusto ko ng umiyak, pero 'di ko mailabas.

"Then good!" Biglang sigaw n'ya habang papaupo sa tabi ko. Umakbay s'ya saakin at may itinuro sa 'di kalayuan.

"'Cause that hot shawty were eyeing you since we enter this club." He whispered.

I squint my eyes trying to follow the direction of his finger, and it's a girl. My eyebrow knit as I turned to Drei with confusion.

He smiled widely. "Nice one, Kenji."

Nanliit ang mga mata ko. I'm not interested with anyone, but Koji. Pero itong isang 'to talagang binubugaw ako.

"Ano gagawin ko d'yan?" Tanong ko at bahagya s'yang itinulak papalayo. Unti-unting nawala ang ngiti n'ya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now