Clingy
Kenji's
Tulala akong nakaupo sa bench sa garden nila Drei, nasa hita ang laptop pero diretso ang tingin sa kawalan. Pangiti-ngiti at parang baliw na natatawa sa sarili kahit na walang kausap.
Masisiraan na yata ako ng bait, iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Totoo ba 'yon? O nananaginip lang ako?
Koji said he love me too! Sa sobrang kilig ko kagabi hindi ko na maalala kung papaano ako nakatulog, e. Ang naalala ko lang ay halos tumalon na ako sa terrace dahil sa matinding kilig.
"Laway mo!"
Natigilan ako nang sumulpot na lang si Math sa harapan ko, inilagay n'ya pa ang palad n'ya sa baba ko na parang sinasalo iyon. Nagkasalubong ang kilay ko at kumurap.
"Ano ba, Math. Ang aga!" Angil ko.
Umupo si Math sa tabi ko na sinundan ko lang ng tingin. May hawak s'yang baso na sa palagay ko, kape ang laman no'n. Bitbit n'ya rin ang mapangasar n'yang ngiti. Ang aga-aga kung mamirwisyo.
"Tulala ka nanaman, nag dodroga ka ba?" Puna n'ya.
Umismid ako. "Good morning, ha. Talagang ang aga mo mangasar. Hindi man lang ipinag-pahapon."
"S'yempre! May nakita kaya ako kagabi."
I frowned at him. Anong nakita? Kami ba? Tang ina nito. Tulog na s'ya kagabi 'di ba? Naghihilik pa nga, e.
"Ano nanaman 'yan?" Nanliliit ang mga mata ko s'yang tinignan. May ideya na kasi ako kung ano 'yung sinasabi n'ya.
Imbes na sumagot ay pangiti-ngiti s'yang bumaling sa pool, medyo malayo iyon pero rinig namin ang ingay doon.
Pabiro kong itinulak ang balikat n'ya gamit ang balikat ko. "Anong nakita mo, Math? Gising ka pa ba kagabi?"
"Malamang tulog ako!" Mabilis n'yang sagot at bumaling sa akin. "Kaso nga lang nagising ako kasi may nag patugtog ba naman ng jazz music sa ganoong oras."
I scoffed and bit my lower lip, remembering what happened between Koji and me last night. I knew Math was referring to us, he must have seen us.
Math just laughed and sipped his coffee, his eyes fixed on me, judging while I tried to suppress my smile.
"Natulog nga ako kaagad, alam mo kung bakit?" Mariin n'yang sabi. Tinignan n'ya pa ako mula ulo hanggang paa.
Suminghap ako. "Bakit-"
"Kasi may nakita akong naghaharutan sa terrace. Sumasayaw-sayaw pa! Ng mabagal ha! Ang aarte!" Sunod sunod na sabi n'ya na tila ba pikon na pikon s'ya sa aming dalawa. Ngumiwi ako dahil hindi n'ya man lang ako pinatapos sa pagsasalita.
"Salamat, ah." I said while nodding at him sarcastically. "Pinagsalita mo talaga ako."
Mula sa seryosong mukha ay sabay kaming ngumiti sa Isa't isa, tinuro n'ya pa ang mukha ko dahil namumula raw. Ramdam ko rin naman ang pag init ng pisnge ko kaya ano pa nga bang itatago ko?
"Pero 'di nga, Kenji.." inilapag n'ya ang kape sa pagitan naming dalawa. "Mukhang masaya kayo kagabi, ah? Ang sarap n'yong itulak sa terrace." Biro n'ya sa akin pero nakangiti pa rin.
Lumawak ang ngiti ko at hindi mapakali kung saan titingin, ni hindi ako makatingin kay Math, e. Kung sa pool naman, nandoon si Koji kaya mas kikiligin lang ako kung doon ako papaling.
"Hanep na itsura 'yan," puna n'ya kaya mabilis ko s'yang nilingon. Umiling-iling pa s'ya na tila ba nandidiri sa reaksyon ko.
Tinignan ko s'ya ng matalim. "Oh, bakit? You're the one who's shipping him with me!"
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
