Last Hug
Kenji's
Days have passed, nakabalik na rin si Drei. Nakailan na rin silang aya ni Red sa'kin na mag boys night out ulit pero lagi rin akong tumatanggi. Siguro dahil mas hinahanda ko ang sarili ko sa camp.
Now, we are preparing for the camping trip. We're leaving tomorrow, sakto pa talaga sa first day of school ng university.
Kanya-kanya nang bilin sa mga pamilya namin. Si Red na nakapagpaalam na raw sa Mama at Ate n'ya, si Drei naman ayos na raw, si Taslan pinipilit pa ang Tita n'ya habang si Math ay hindi na raw kailangan mag paalam.
S'yempre ako rin, nakapagpaalam naman na ako noong pumunta kami sa bahay.
Kaya lang, ang masama ro'n, nag presinta pa si Alenzi na tutulungan n'ya kami ni Kole na ilipat ang fish tank sa bahay.
"Oh, pasok. Huwag kayo magulo, ah." Banta ko kay Alenzi at Kole nang pagbuksan ko sila ng pinto.
Dumiretso agad ako sa fish tank habang si Alenzi, tinitignan pa ang paligid.
"Malaki 'to, ah? Sa'yo 'to?" Tanong n'ya saka umupo sa couch.
"Hindi sa kaniya 'to. Saka pwede ba, tumayo ka d'yan? Tutulong ka, 'di ba?" Si Kole na iritado na rin. May regla?
Magkasalubong ang kilay ni Alenzi nang tumayo s'ya, hinubad ang jacket at lumapit na sa'min ni Kole. Tulong tulong kaming magbawas ng tubig sa fish tank, at ilipat iyon sa mga malalaking containers.
"It must be fun to have a drinking session here. Lagi siguro kayong umiinom at naguuwi ng babae rito?" Daldal ni Alenzi na inirapan ko lang.
"Gusto mo lang itanong kung nakapunta na si Avry dito, e!" Pangaasar ni Kole kaya natawa ako.
"Ang dami mo pang sinabi, gusto mo lang pala magtanong! Mga style mo talaga!" Halakhak ko.
Umismid s'ya at umiling lang. "Hindi! Gusto ko lang ma-try here next time! This place looks nice!"
"Looks nice? Wala nga design, e. Paraparaan mo!" Pangbabara ko na ikinabusangot n'ya.
Tumawa kami habang nakaturo sa kaniya pero tumawa lang din s'ya at sinabayan kami. S'ya 'yung tipong hindi mo talaga mapipikon agad-agad, the best rage baiter din, gaya ng mga kapatid n'ya.
"Gustong ma-try, or gustong may makasama?" Tumawa ng malakas si Kole kaya napahagalpak na lang din ako. Muntik pa matapunan ng tubig kaya napatigil din agad.
"Siguro naguuwi ka talaga ng babae rito, 'no?" Alenzi fired back.
Tinignan ko lang s'ya ng masama habang pinupunasan ang natapong tubig sa braso ko.
Ako pa inakusahan?
"Takot na lang n'yan kay Koji." Si Kole na ang nagsalita.
Kumunot ang noo ko at tatanggi na sana nang pagtawanan na ako ng dalawa.
Tatanggi pa ba ako? Totoo naman. At saka wala naman nang rason para mag-uwi ng babae rito. For what?
Maya-maya pa, bumaba na rin ang dalawang walang silbi sa condong 'to. Si Red na bagong gising at magulo ang buhok pati na ang damit, at si Drei na bagong gising din pero maayos ang itsura.
Sinenyasan ko ang dalawa na manahimik. Hindi naman na ako nagaalala na baga dumaldal si Alenzi dahil ang sabi ni Kole, na-orient n'ya na.
"Good morning," Bati ko na tinanguan ng dalawa.
Gulat nilang tinignan si Alenzi kaya naman itinuro ko s'ya at ipinakilala. "Si Alenzi, pinsan ko."
"Nice fashion." Alenzi complimented Drei, who nodded at her.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
