Request
Kenji's
Pagkatapos naming humarang ng ilang minuto sa hallway ay nagkaayaan na kaming umalis doon. Nag-aya pa ang kambal na pumunta sa Aries club at libre raw nila, pambawi kay Drei pag invite sakanila sa sleep over. Pumalag agad ang dalawa at doon na dumiretso. Kami naman ni Koji ay umuwi na lang sa condo. Hindi na ako sumama dahil ayaw n'ya rin naman, alangan naman hayaan ko s'ya magisa?
Constellations of stars
Murals on city walls
I don't see nobody but you
Walang imik akong nakaupo sa amp, tumutugtog ng random songs sa acoustic ni Math at malalim ang titig kay Koji.
Nakaupo lang s'ya sa couch at nanunood ng TV. Hindi n'ya pa rin ako pinapansin. Hindi ko na alam kung alin sa mga kasalanan ko ang dahilan kaya s'ya galit, pero kahit alin man doon, yari pa rin ako.
"Galit ka pa rin ba?" I breathed. Tumigil ako sa pagtugtog at tumingin sa kaniya ng matagal.
Kumunot ang noo n'ya at tumingin ng masama sa akin. "Ewan ko sa'yo, bahala ka."
"Koji naman..." I whinned and kick my feet on the floor but when he looked at me with a mad expression, I immediately straighten my body and stop my feet from kicking.
Ngumisi s'ya ng mapait. "May kasalanan ka na nga ang arte mo pa."
Aray. Sakit, ah?
Humangos ako at ngumuso. Dahan-dahan kong ibinaba ang gitara at tumayo para maglakad papunta sa kaniya. Pero bago pa man ako makalapit ay tinignan n'ya na ako ng masama.
"D'yan ka lang!" Utos nito, nakataas pa ang kilay at galit ang titig.
Natigilan ako sa kinatatayuan ko malapit sa may mini table sa harapan n'ya, kasabay ng pagbagsak ng aking panga. Humakbang ako,
"'Wag ka gumalaw!"
Pero tumigil rin ako agad.
"Pero-"
"'Wag ka rin magsalita!" Luh?
Ngumuso ako at suminghap, sinusubukan magmukhang nakaka-awa kahit alam ko naman na hindi maaawa sa akin ang isang 'to. Mukhang tanga lang ako rito.
Tumayo lang ako sa harapan n'ya, wala s'yang pakialam kahit nakaharang na ako sa TV basta hindi ako gagalaw sa pwesto ko. Nakatingala lang s'ya sa akin, mataray ang mata, nakahalukibkib at nakasandal sa couch.
Nakaka-asar naman 'tong mga utos n'ya. Ang hirap sundin! Palibhasa alam n'yang obedient ako pagdating sa kaniya, e. Tatahol na ba ako? Uh... Arf?
Inilibot ko ang paningin ko para lang makaiwas sa mga mata n'ya. Ramdam ko kasi ang kurot n'ya kahit nakatingin lang s'ya sa'kin, e. Nakikiliti ang tagiliran ko.
Napadpad ang paningin ko sa isang garapon ng cookies ng cookies na nakapatong sa mini table. Kumurap ako.
'Yung galing pa yata kay Drei 'tong cookies, e. Inuwi n'ya pa talaga?
Bumaling ulit ako kay Koji at ganoon pa rin ang itsura n'ya, galit pa rin s'yempre. I slowly bend my knees to squat, just enough for me to reach the jar. But what do I expect?
"'Wag ka kumain!"
At s'yempre, napansin n'ya pa rin.
My jaw dropped again in disbelief. Tumayo ako ng maayos habang s'ya naman ay sandaling umupo sa sahig para kunin ang garapon saka bumalik sa kinauupuan n'ya. Hanep, gugutumin n'ya ako?
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
