Best Part
Kenji's
"Hoy! gising Red!" Inalog-alog ko si Red. I was eager to know kung sino ang nag drive kagabi, kung ako ba? Sila? Wala na akong maalala!
"Ano ba!" Sinisiko niya ang kamay ko. Marahas ko itong hinila kaya naman napaupo s'ya ulit sa sahig, nakadilat na ang mata n'ya at galit na naka-tingin saakin. "Ano ba 'yon?"
"Sinong nag drive kagabi?" Tanong ko sakaniya, umirap s'ya at napakamot sa magulong buhok.
"Lasing ka ba? Tuwid ka naman mag lakad kagabi, ah! Bakit hindi mo maalala?" Bulyaw n'ya saakin. Maniniwala ba 'to kapag sinabi kong mas nalasing ako sa pabango ni Koji?
Padabog n'yang ibinagsak ang kamay sa sahig at akma na sanang hihiga ulit ng hilahin ko s'ya pabalik, kaya mukha s'yang patay na nabuhay.
"Sino nga?" Pang-uusisa ko. Huminga s'ya ng malalim at tamad na itinuro ang kwarto ni Koji. Tangina?
"Si Koji." Maikling sagot nito saka humikab, binitawan ko na s'ya at parang lantang gulay na napahiga ulit sa sahig.
Si Koji? Nag drive?
Napakurap ako ng ilang beses habang naka-tingin sa pinto ng kwarto n'ya, tangina? Totoo ba? O baka hindi pa fully gising 'tong si Red kaya ganoon ang sinasabi. Ganoon ba ako kalasing kagabi para makalimutan iyon lahat?
"Seryoso ba? Si Koji ang nag drive?" Bulong ko sa aking sarili habang napapakamot sa aking batok. Hindi ko lang ma-imagine na ang lalaki ng katawan namin tapos ipinag-drive lang kami ni Koji. Hindi s'ya bagay sa ganoon, kamahalan 'yon ,e!
"Anong 'drive drive'?" My eyes widened when i heard that voice coming from the kitchen. Dahan-dahang akong lumingon at halos mapamura ako. Si Sir Anton! Mas suot pa s'yang apron at may hawak na sandok. Hindi ko man lang s'ya napansin doon!
"HA HA, uh- ahm.." Wala na akong maisip na palusot, isa pa baka alam n'ya na rin ang totoo at ayaw ko naman mag sinungaling. Dalawa lang 'yan, it's either alam n'ya na pero mag tatanong parin or wala s'yang idea at mag tatanong parin. Pinagsisisipa ko ang mga katabi ko para magising na rin sila. I saw their reaction as the same way i reacted, sino ba namang hindi magugulat?
Mabilis silang bumangon nang maidilat na nila ang mata nila, nakakatawa rin sana kung papaano sila nag ayos ng pagkaka-upo ng ganoon kadali kaso hindi ko makuhang matawa. Pumunta si Sir Anton sa harapan namin at saka namaywang habang hawak-hawak parin ang sandok.
"Alam n'yo pa kaya kung papaano kayo nakauwi?" Seryosong tanong nito. Nag-hihintay rin ako sa sagot nila kasi kahit ako hindi ko na rin alam. Nakita kong umiling-iling si Math bilang tugon kaya ganoon na rin lang ang ginawa ko at ginaya pa ng iba. Napabuntonghininga na lamang si Sir Anton at saka hinubad ang apron at ipinatong sa mesa sa harapan namin.
"Alam n'yo bang minor ang pinag-drive n'yo kagabi?" I gasped. Minor who? Nagkatinginan kami at sabay-sabay na napailing.
"Hindi n'yo alam? Koji is just seventeen years old." Pagpapatuloy niya dahilan para mas maguluhan kami. Minor? But he's an upcoming college this year?
"H-Hindi namin alam-totoo ba?" Gulat na tanong ko sakaniya, tinignan n'ya lang ako at umirap. He crossed his arms and smirks at us.
"Yeah, he is." Maikling sagot n'ya. "Umalis ka d'yan, Kenji. Hindi ka kasali rito."
Napatingin ako sakaniya ng sabihin n'ya iyon. Hindi ko kasi maintindihan, anong hindi kasali? e kasama ako kagabi? Kunot noo akong napatingin sa aking mga katabi.
"Ang sabi ni Koji ikaw daw ang nag labas sakaniya sa bar, kaya umalis ka d'yan. Itong tatlo lang na 'to ang may kasalanan." He started shoo-ing me so i quickly stand up, tumayo ako at nag lakad papunta sa likod ni Sir Anton habang sinisilip-silip lang si Math na mukhang guilty. Si Drei at Red naman ay humihikab pahabang kinakamot ang ulo.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
