What if
Kenji's
"Kenji! Dito!" Sigaw ni Envo habang kumakaway-kaway saamin. Nakaupo s'ya sa isang table at may mga kasama pang ibang lalaki na hindi naman namin kilala. Marami rin kasi s'yang mga friends sa department nila, bukod sa academic achiever may itsura rin kasi si Envo. Pero mas gwapo parin ako.
I fixed the strap of my guitar's bag and slowly walked towards Envo. Nakipag fist bump ako sakaniya nang makalapit na kami. Tinignan ko ang paligid at ang laki talaga ng place, sobrang daming ring tao at maiingay na kaagad. May mga pumapasok pa at halatang mapupuno ito mamaya kaya mas enjoy, buti nalang ay naging maayos na ang lagay ko at nakasama ako rito.
"How's the place?" Tanong ni Envo kay Math nang mag shake hands ang dalawa, Math gave him a big smile and slightly nods his head.
"It's nice!" Math said excitedly. Pinanuod kong makipag shake hands sila Red at Drei kay Envo. Nang mapatingin ako sa hulihan nila ay nakita kong nag tatakip nanaman ng tainga si Koji, naiingayan nanaman 'to. Sinama namin s'ya dahil naipaalam na rin namin s'ya kay Sir Anton at sinabing susunod daw s'ya rito. Ngumisi ako at lumapit sakaniya habang nag uusap-usap ang apat.
"Bakit ka nag tatakip? Clubs never been silent you know." I scoffed as I'm trying to remove his palm on his ears but he's quite strong.
"Pake mo ba? Ayaw ko ng song." Pagsusungit n'ya saakin at sabay irap. Napailing na lang ako saka hinawakan ang strap ng gitara ko. Ang sungit n'ya nanaman saakin, sana may lagnat nalang ako parati.
"Papalitan natin? Best Part nalang para umuwi 'tong mga tao rito." Itinuturo ko pa ang mga tao sa paligid habang may seryosong mukha. Inismiran n'ya lang ako at tinalikuran.
"Alisin mo 'yan, hindi ka mag i-enjoy sige ka." Ngumiti ako at pabirong pinindot ang tainga n'ya na lumulusot sa pagitan ng daliri n'ya dahilan para mapatingin s'ya saakin ng masama, masamang masama.
"Talagang hindi ako mag i-enjoy," masungit n'yang bulong at saka umirap saakin. "Naandito ka, e."
Napaawang lang ang labi ko sa narinig, napalunok ako ng ilang beses habang ang ngiti sa labi ay unti-unting nawawala. Ang sakit n'ya nanaman mag salita, mabait naman s'ya kanina saakin. What's with him? Am i really annoying?
"Am i...annoying? Pinapatanggal ko lang naman." Seryoso kong sabi saka binasa ang labi at hinawi ang buhok na humaharang sa mata ko. Galit n'ya akong nilingon at saka padabog na tinanggal ang pagkakahawak sakaniyang tainga.
"Okay na ba?" He tilted his head and rolled his eyes on me before crossing his hands and looked around. I smiled a bit, thinking he actually remove his hands even he's annoyed and hates loud people and loud place.
Tinignan ko ulit ang paligid, malaki nga talaga dahil hindi mo basta basta makikita ang kabuohan. Mukhang pinag-ipunan talaga 'to ni Tito Vince, siguradong si Envo ang magmamana nito. His twin sisters never had their interest on bars and night clubs, never 'yon tutungtong sa mga bars.
"Let's go guys, may nai-reserve na kaming table para sainyo!" Si Envo na lakad patungo sa kung saan at iniwan ang mga kasama n'ya, basta malapit sa mini stage at medyo malaki ang table, mas kumportable ang upuan at kitang-kita ang kabuohan ng bar dahil medyo mataas ang pwesto.
"Ang laki naman nito?" Si Red na umakbay pa kay Koji habang itinuturo ang table. Umirap ako at saka mabilis na inilapag ang gitara sa ilalim ng mesa at padabog na umupo sa upholstered sofa. Para saan yang akbay? Magsasalita nalang nakaakbay pa. Tapos kapag ako gumawa n'yan kay Koji baka mabura ako sa mundo, kapag ako nag biro galit agad.
"Hayaan n'yo na, si papa rin naman nag reserve nito para sainyo dahil sabi ko marami kayo." Nakangiting sabi ni Envo habang nakadiin ang palad sa mesa. Sakto lang din 'to saamin, susunod daw si Sir Anton, si Taslan naman ay sinundo si Wesley.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
