Chapter 28

3.8K 106 25
                                        

Spark

Kenji's

Pagpasok namin ng horror house, bumungad sa amin ang mga pulang ilaw na sumilaw sa aming tatlo. Pumikit-pikit ako at nang imulat ko ang aking mga mata...

Wala lang. Wala namang nakakatakot!

To be honest, I am disappointed. Akala ko pa naman may sasalubong sa'min na naglalakad na manika, o 'di kaya clown na may hawak na palakol. Ano 'to? Empty room lang? Malaki naman 'yung tent nila. Bakit ganito lang?

"Anong trip nila?" I scoffed and crossed my arms, "Bakit wala namang nakakatakot?"

Nagkibit si Math habang sinusuri ang paligid. Silip dito, kalabit doon.

Nilingon naman ako ni Koji. Tiningala n'ya ako ng may magkasalubong na kilay, kaya sinimangutan ko rin s'ya.

"Oh? Ano nanaman masama sa sinabi ko?"

Ngumuso s'ya at mabilis na umiwas ng tingin. "Nag effort naman sila sa horror house nila. 'Wag kana lang kumuda." Pumitik pa ang buhok n'ya na parang tinatarayan ako.

"Ay? Bakit parang kasalanan ko pa?" Natawa na lang ako habang himahabol ang paningin n'yang pilit n'ya rin naman iniiwas sa akin.

"Puro ka kasi reklamo!" Bulyaw n'ya kaya bahagya akong napaatras papalayo. Nakangiti pa rin ako kahit ramdam ko ang pagka-inis n'ya sa akin.

"Ano gagawin ko? Magpapanggap na takot? Ahh! Multo! Multo—Gano'n?" I joked while acting playfully, held my chest like I'm scared.

Koji just rolled his eyes. "Ewan ko sa'yo, sira yata ulo mo."

I bursted into laughter as I tried to reach his arms, but he pushes my hands away that makes me laugh more. Nagtatampo nga talaga ang bata. Sinabi ko lang naman na walang nakakatakot rito?

"Ba't galit ka?" Malambing na tanong ko kahit medyo natatawa pa. Napasulyap pa ako kay Math na abala pa rin sa silip sa ding-ding.

"Wala! Hindi ako galit!" Giit n'ya at napatingin pa sa babaeng kakapasok lang. Gulat itong nakatingin sa amin.

Lumayo rin si Koji sa akin at tumalikod dahilan ng pagkapawi ng ngiti ko. Umatras na rin ako at nagpalinga-linga sa paligid.

Nakakabadtrip lang isipin na kailangan naming mag-adjust para sa mga taong nakapaligid sa amin. 'Di ba pupwedeng...maging malaya lang? So I can express my love for him even if we're in the public places.

Natahimik na lang kaming dalawa ni Koji dahil sa babaeng pumasok. Patingin-tingin din ito sa'kin at ngumingiti pa. Nakaka-kaba naman 'to! Baka kilala nanaman ako nito, ah!

"Hindi pa nga nagsisimula, nagsisigawan na kayo riyan." Pambabasag ni Math sa katahimikan habang nakatalikod pa rin sa amin, nakatingin sa ding-ding at palipat-lipat ng puwesto.

Pinapanood lang namin s'ya sa ginagawa n'ya. Parang timang lang, e. Kung anu-anong kinakalikot sa loob ng empty room.

"Wala pang multo pero mas nakakatakot na ako sa inyo—" humarap s'ya sa amin at natigilan nang nakita ang babaeng nasa loob na rin ng kwarto. Alanganin itong nakangiti kay Math.

"Tatlo na pala kayo d'yan." Pakurap-kurap na sabi ni Math na tila na nahihiya sa ginagawa. Tumingin din s'ya sa akin ng masama na para bang kasalanan kong may nakakita sa kaniya habang sumisilip-silip sa ding-ding.

Nagkibit lang ako. Alangan naman kasing kalabitin ko s'ya ng dumating 'yung babae?

"By the way..." Math cleared his throat and point the wall, "May pinto dito, oh. Baka...Baka dito pa lang mag sa-start?"

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now