Kenji's
"Boyfriend ko si Kenji!" Koji's shout echoed.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya. That move was completely unpredictable. Hindi ko naman akalain na pagkatapos n'ya akong suyuin, ipagsisigawan n'ya na boyfriend n'ya ako.
Nakatago na ako sa likod n'ya pero dahil mas matangkad ako, kitang kita ko kung paano nawala ang ngiti ng mga tropa ko. Lalo na si Red.
Sila Math at Envo, gulat din sa ginawa ni Koji. Natigilan si Taslan hababg si Wesley ay blanko ang reaksyon.
The silence was too loud.
Walang nagsasalita, tulala ang iba sa gulat at ang iba naman ay pakurap kurap. Sabayan pa ng paghina ng pagikot ng bote, at huminto sa amin ni Koji.
I couldn't imagine Koji would do that just to reassure me. He had already overcome his fear. Damn, he's so strong, stronger than me, stronger than anyone else.
So, I decided to break the silence. Pero teka... boyfriend?
Sinasagot n'ya na ako?
"Wait, tayo na?" Humakbang ako at lumibel sa paningin ni Koji na halos ayaw ng dumilat. Kunot ang noo ko, pakurap kurap at hindi na mapigilan ang kabog ng dibdib.
"Tang ina ka, Kenji. Hindi mo alam?" Halakhak ni Taslan kaya mas nagulat ako. Paanong tuwang tuwa pa 'tong isang 'to?
Alam na ba nila?
"Yes! Panalo ako sa pustahan!" Sigaw naman ni Red na hindi ko na pinansin. May paluhod luhod pa, akala mo nanalo sa loto.
"Tang ina mo talaga! Anong pusta?" Singhal ni Math sa kaniya na akmang lalapitan si Red kaya napatayo s'ya.
Hindi na ako nagulat. Kahit ano naman ginagawang pustahan ni Red, e.
"Wala lang 'yon. Pinagsasabi mo?" Giit ni Red saka lumapit sa'kin at umakbay pa.
"Congrats!" Nakipag kamayan pa s'ya sa'min pero hindi pa rin natinag ako mga mata kong nakatutok kay Koji.
Sunod na lumapit si Math at nakipag kamayan din, hanggang sa ginaya na rin sila ng iba. Kahit si Taslan at Wesley ay nakangiti pang lumapit para kamayan kami.
Tang ina, alam na nga nila? So ano? Ako lang ang walang alam?
"Congratulations, love birds!" Sigaw ng girls kasabay ng paglakas ng music.
Pinalibutan nila kami at sumayaw na parang wala silang narinig. Lasing na yata ako at hindi ko maiproseso ang nangyayari. Nakakagulat na parang wala lang sa kanila, pero mas nagulat pa rin ako sa sinabi ni Koji. Boyfriend n'ya na ako? Sinagot n'ya ako!
Napatingin ako sa likod nang may humawak sa balikat ko. Si Envo, alanganin ang ngiti at bakas pa rin ang pagtataka sa mukha.
"Congrats, Kiks." Bulong n'ya, "Mga baliw 'tong tropa mo. Sana all baliw-"
"Tabi nga!" Itinulak s'ya ni Red at s'ya nanaman ang umakbay sa'kin, "Congrats, pare! Ang saya-saya ko para sa inyo."
Ano raw? Masaya? Teka nga! Naguguluhan ako. Parang inaasahan na nilang aamin kami sa kanila, pinagpustahan pa nga ng lokong 'to.
"Saglit nga! Stop it!" I shouted, running a hand through my hair in frustration.
Natigilan sila at pinahinaan din ang music. Pati si Red ay lumayo sa'kin dahil sa takot.
"Narinig n'yo ba 'yung sinabi ni Koji? We're... boyfriends!" I took a deep breath and looked at each of them, one by one.
"Narinig namin. Oo, lasing kami, pero hindi kami bingi." Umangat ang dulo ng labi ni Taslan.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
