Chapter 8

2.8K 101 43
                                        

Missed

Kenji's

My dizziness fade away when I start to drove my car heading to our university, siguro dahil mas nakafocus na ako sa daan kaya nababawasan 'yung hilo at sakit ng ulo ko. Mas minabuti ko na ring pumunta sa university ngayong araw dahil baka mabaliw na ako sa unit, wala saakin 'yung phone ko, eh.

Nang makarating ay agad akong nag park sa parking lot. I squint my eyes when i saw a familiar figures walking towards my car. It's Envo and Koleen, inaabangan yata ako nitong dalawa?

"Kenji!" Sigaw ni Envo nang makababa na ako habang s'ya naman ay patakbong lumapit saakin. Sumandal ako sa kotse at saka nakipag fist bump sakaniya.

"Napadpad yata kayo rito?" Tanong ko pero mas tinignan n'ya ang kamao ko na may bandage. Ganoon rin si Koleen ng makalapit saamin kaya tinago ko iyon sa likuran ko.

"Anong nangyari?" Kunot noong tanong ni Koleen habang nakaturo pa sa likod ko. Peke akong ngumiti at umiling-iling.

"Wala 'to!" I scoffed but they're not easy to fool. They seriously looked at me, concerned and frighten.

"Mag sabi ka nga ng totoo." Seryosong sabi ni Envo kaya napayuko ako. Hindi ako makatingin ng maayos sakanila, baka isipin nila basagulero ako, baka sabihin nila bumabalik nanaman 'yung.... dating ako.

"Wala.." malumanay kong sagot, umismid sila at umiling-iling na lumapit saakin. Parang alam nilang nag sisinungaling ako. Sinapo ni Koleen ang noo ko at bahagyang napa-atras. Nakaramdam nanaman ako ng hilo kaya napahawak ako sa kotse.

"Ang init mo ah!" Mukha s'yang nag-aalala at inaalalayan ako sa braso pero umiwas ako.

"Ayos lang ako, Kole." Ngumiti ako sakaniya pero ngumiwi s'ya at namaywang, si Envo naman ay inaabangan ako sa likod, iniisip n'ya yatang matutumba ako.

"Hindi ka okay! Tinatawag mo na nga ako sa pangalan ko, oh. Bumabait ka! May lagnat ka kasi." Biro ni Koleen kaya natawa kami, bumaling naman ako kay Envo na marahan kong itinulak dahil hinahawakan n'ya ako sa braso, nararamdaman ko naman na kaya ko pa.

"May kailangan kayo?" Tanong ko sakaniya kaya napa-angat ang kilay n'ya bago tumango.

"Oo sana, kaso nga hindi ka okay—" i cut him off.

"Ayos nga lang! Ano ba 'yon?" Ngumiti ako sakaniya pero seryoso lang s'yang nakatingin saakin.

Huminga muna s'ya ng malalim bago sinagot ang tanong ko. "Opening kasi ng bar ni daddy, sabi n'ya i-invite ko raw kayo para tumugtog doon. Available ba ang First6 mamaya?"

Tumatango-tango kong pinoproseso ang sinabi n'ya. Medyo lutang pa ako dahil nga may lagnat at maraming iniisip.

"Itatanong ko nalang," I cleared my throat when my voice just cracked. "Itatanong ko nalang kay Math mamaya.."

"Matagal na rin kaming hindi tumutugtog, papayag 'yon." Ngumiti ako sakanila habang pinipilit na maging normal ang pag bukas ng talukap. Tumango silang dalawa at saka iginiya ako mag lakad sa corridor.

"Kagabi ka pa namin mini-message, hindi ka naman nag si-seen sa gc natin." Humarap saamin si Koleen at nag lakad paatras, umiirap pa s'ya kapag may bumabangga sakaniya pero ngumingiti kapag babae.

"Wala akong phone, naiwan ko sa unit ni Sir Anton." Sagot ko saka hinaplos ang batok, napakainit. Parang anytime anywhere makakatulog ako kung yuyuko ako, e.

Natigilan sa paglalakad si Envo at saka tumingin saakin ng may pagaalala. "Edi hindi mo ma-contact sila Math?"

Umiling-iling ako at pinasadahan ng haplos ang buhok, hindi ko rin alam kung saan ko sila hahagilapin ngayon dahil wala nga akong phone. Tumango si Envo at saka kinuha ang phone n'ya bago nag lakad ulit. Sumunod naman kami ni Koleen sakaniya na maayos na maglakad ngayon.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now