Chapter 2

4.7K 127 46
                                        

Keychain

Kenji's

Nag-kwentuhan kami sa taas habang naninigarilyo sila, pagkatapos ay nilibot nanaman namin ang unit para raw makabisado namin.

After namin mag libot sa buong unit ay napagpasyahan naman naming hakutin na lahat ng gamit sa baba at iakyat rito. Natawa pa kami nang mapag-tantong kanina pa pala naiwan si Red sa loob ng kotse, tulog pa rin. Ginising namin s'ya para tumulong na rin sa paghahakot.

Humingi rin kami ng tulong sa mga helpers sa building kaya madali kaming natapos. Habang nag-seset up ng mga instruments sa free space sa may living room ay dumating na rin si Sir Anton.

"Hello boys!" Bati nito na agad naman naming nginitian.

"Welcome sa bahay namin." Si Math na nakipag-banggaan ng balikat sakaniya.

Napailing nalang si Sir habang pinapanood kaming i-set up ang mga instruments. He seems so tired. Bigla akong napalingon sa mga maleta na nasa may harapan ng pinto ng dalawang kwarto.

"Kaninong mga maleta 'yon?" I asked while pointing it with my pouty mouth.

"Hm?" Nilingon n'ya iyon. He sighed when he saw it. "Sa akin 'yan, aalis ako rito."

Natigilan kaming lahat, parang s'ya pa yata 'tong pinaalis namin sa sarili n'yang place, ah.

"Bakit?" Halos sabay-sabay naming tanong sa kaniya. Ngumisi lang s'ya at saka umupo sa sofa.

"Idiots. Alam naman nating bawal mag stay ang students with their profs sa iisang place lang, baka pag isipan pa tayo na nag she-share ako ng mga answers sa exams n'yo, mga academic achievers pa naman kayo." Paliwanag nito.

Totoo naman pero paano 'to? Ano gagawin namin don sa isa?

"Pano 'to?" I asked worriedly.

"Ang alin, Kenji?" Si Red na humihikab pa habang nakaupo sa isang amplifier.

"Your nephew, baka lalo s'yang ma-stress rito kapag wala ka." I comb my hair again, basa pa rin. Kaya hindi ako umuupo sa sofa kasi basa pa ako, e.

"We already talked about this, he agreed. Kaya sinabihan ko s'yang pumunta sa university at tulungan kayong mag ligpit. Mag isa ko rin s'yang pina-byahe para matuto." Ngumingising sabi nito.

Pinabayaan n'ya ng magisa? Aba, masamang uncle.

"Gago. Papaano kung may dumukot sa kaniya at napag-kamalan s'yang ten years old?" Pabirong tanong ni Taslan habang inaayos ang drums.

Humagikhik lang si Sir.

"Mahiyain pa naman, baka pag sinabing kikidnapin na s'ya kusa pa s'yang sumama." si Red na medyo natatawa sa sinabi.

'Yon nga, e. Mahiyain s'ya tapos ikaw din mahihiya para sa sarili mo kapag hindi ka n'ya sinagot sa tanong mo. Baka nga hindi n'ya pansinin 'yung kidnappers, e.

"Kaya nga. Kanina bago tayo mag snacks, sabi n'ya kanina pa raw s'ya ro'n sa may pick up truck, lumabas lang s'ya noong paalis na tayo. He's seems very shy." Kwento naman ni  Drei habang naka-upo sa isa pang amp, naka akbay naman ako sa kaniya.

Gago? Ang init doon, ah? Buti nalang pumasok s'ya sa studio. Mamatay s'ya sa hiya.

"He is, indeed. Mahiyain talaga s'ya pero sumasagot naman, minsan nga pabalang pa. Kaya nga ipinadala rito sa'kin ni mama para daw matuto makipag-usap ng maayos. Turuan n'yo ng magandang asal, ha. Huwag alak." Seryosong sabi ni Sir.

Tumango kaming lahat at saka ipinag-patuloy ang ginagawa namin.

Sumasagot daw? Parang pinipili n'ya lang naman 'yung sasagutin n'yang tanong. Kailangan mo pang hulaan kung anong gusto n'ya.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now