Chapter 3

4.1K 118 37
                                        

Scared

Kenji's

Mabilis akong napadilat ng maalalang may pasok pa pala ako at mabilis na bumangon, pero natigilan naman ako nang makitang andito nanaman ang mga magugulong nilalang! Tinignan ko ang direksyon kung saan naka-upo si Koji kanina, wala na s'ya ron at naka-off na rin ang tv.

"Good afternoon sa'yo." Malanding bati ni Drei habang pabirong minamasahe ang balikat ko na agad ko naman siniko.

Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong panunuya saakin kaninang umaga, ah?

Nakita kong nag-luluto si Math sa kitchen kasama si Red. si Drei naman ay mabilis na tumakbo papunta sa taong nasa harapan ko at nakaupo sa sahig habang may inaayos na wire na naka connect sa amp. Tinignan ko ito ng mabuti, hindi naman si Taslan 'to, ano. Malabo man ang paningin ko alam kong hindi s'ya 'yan.

Napakurap ako ng ilang beses at mabilis na napangiti nang mapag-tanto kung sino s'ya.

"Ilang santo kaya ang gumising sa'yo para bisitahin mo kami?" Nakangiting biro ko.

Lumapit s'ya saakin at naka-ngiti ring umupo sa Sofa. Si Wesley, ang bunso ng magbabarkada. Kahit hindi pa s'ya college at grade twelve student pa lang ay sinali na namin s'ya sa banda namin. Himala lang talaga kapag bumibisita s'ya dahil bukod sa graduating ay sakristan pa sa simbahan.

"Nakaka-miss din kasi kayo, kahit papaano. Saka isa pa, naikwento rin sa akin ni Taslan kung anong nangyayari sa banda ngayon." Sagot n'ya saakin sabay tapi sa tuhod ko.

"Parang napipilitan ka pa, ah!" Biro ni Red at saka tumakbo papunta kay Wesley. Pumatong s'ya rito at kiniliti nila ang isa't isa. Heto na 'yung isa pa sa mga mahilig makipag rambulan. Si Taslan naman ang wala.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang dalawa nang bigla ko nanaman maalala na may pasok kami ng ala una ng hapon.

"Gago, anong oras na?"

Nagkibit balikat si Drei bago kinuha ang cellphone n'ya sa kan'yang bulsa at tinigyan iyon. "Twelve pm."

My eyes widened as I start to panic, but Drei just pull me down at napaupo na lang ako sa sahig. Kumunot pa ang noo ko dahil nag mamadali na ako pero hinila n'ya pa rin ako.

"Bro chill, nakalimutan mo yatang classmates tayo nila Red. Wala tayong subject ngayon, kaya nga andito kami 'di ba?" Nakahinga maman ako ng maluwag sa sinabi n'ya. Malay ko ba kung trip lang nila umabsent?

"Hindi ka kasi nag babasa sa group chat, mas pinili mo matulog dito." Si Math na hinahalo ang niluluto n'ya.

"Lunch ba 'yan?" Tanong ko saka tumayo at lumapit sa kaniya. Tumango s'ya at ngumiti habang tinitignan ang niluluto n'ya adobo.

"Buti naman at mas marami ng gamit dito, mas nakaka-tuwa na mag luto." Bulong n'ya saakin at saka tinignan ako ng may mapang-asar na mukha. At ano nanaman maya ang ipang-aasar nito saakin?

"Sabi ni Koji saamin, kaya ka raw nakatulog kasi napagod ka kaka-ayos rito sa kusina ah." Maloko s'yang tumawa habang hinahalo ang adobo na niluluto n'ya, umirap naman ako at tumango. Hindi ko talaga matanggap kunh anong mali sa pagkaka-ayos ko.

"Oo, tapos ang ending pinagpalit-palit n'ya rin lang ng pwesto kasi mali daw 'yung saakin. Nakaka-inis nga, e." Pag susumbong ko sakaniya saka sumandal sa lababo.

Tumawa s'ya at tinignan ako. "Mabait naman s'ya, ah."

"Sa'yo?" I comb my hair with my fingers, kunwari akong natawa sa sinabi n'ya.

"Hindi! mabait talaga s'ya. Kanina may tatlong batang nahihirapan kumuha ng stuffed toys doon sa machine, nag insist s'ya na s'ya nalang daw ang mag lalaro and guess what, nakuha n'ya 'yun ng tatlong beses.  Pero mas natuwa sila sa itsura ni Koji kaya ibinigay nilang lahat sakaniya, kasi maganda naman daw s'ya." Natatawang kwento ni Math, natawa rin naman ako pero umirap parin dahil hindi ko matanggap na mali ang pagkaka-ayos ko rito sa kusina kanina. Nag effort kaya ako!

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now