Chapter 23

3.5K 130 129
                                        

Reciprocate

Kenji's

It's been a long day. A very fucking long day.

Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Dumagdag pa sa bigat 'yung sinabi ni Froi sa akin. Gustong gusto ko nang umuwi pero wala akong choice. Kailangan kong magpatuloy dahil nandito nalang din naman ako sa university. Isa pa, nandito din si Koji. Hindi ko s'ya pupwedeng ipagkatiwala sa dalawa. Baka kung saan sila makarating.

Gusto ko na lang sana humilata sa kama kaso paguwi namin, dumiretso agad kami sa bahay nila Drei. Kasama na namin sila Math at Taslan na napilit nila Red na sumama, pati na rin Wesley na nabitbit lang din ni Taslan. Inihatid pa kami ni Sir Anton, para raw alam n'ya kung saan. Tinawagan ko na rin sila Envo at Kole, susunod na lang daw sila sa amin, tutal alam naman na nila 'yung adress nila Drei.

Gustuhin ko man magtanong sakanila tungkol sa nalaman ko ay isinantabi ko muna iyon. Ayaw kong sirain ang sleepover namin. Mas mabuting mag enjoy muna kami ro'n. Siguro sarilihin ko na lang muna at subukang ayusin ng magisa ang nasimulang gulo, ako naman ang may kasalanan kung bakit kami humantong sa ganito.

"Ano 'yan? Uod! Uod!"

"Wrong!"

"Edi ano?"

"Caterpillar!"

"Wow? Uod lang din 'yon."

Kakarating lang namin pero ang gugulo na agad nila Taslan, Red at Drei na nag lalaro ng charades. Gumigiling si Taslan sa may kama at ang dalawang asungot naman ay nagtatalo sa tamang sagot na pinapahulaan ni Taslan sakanila.

"Bouncer 'yan!" Pahabol pa ni Wesley kaya humagalpak silang apat.

They haven't even started drinking yet, but they're already so loud. I can hardly figure out where to position myself here in Drei's room, it's getting filled with their noise. We're having a blast here at Drei's place since his parents are not around. They're on a business trip. No matter how much noise we make here, it's all good.

I was sitting in a corner, with a pillow on my lap and my laptop resting on it. I was editing the advertisement while watching them all. Tang ina kasi ni Red, sa'kin pa ibinato 'tong editing na 'to.

Nasa terrace ang kambal kasama si Poly. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila, nasisipat ko lang na may pumipitik na flash kaya baka nag pipicture sila ro'n. Si Math naman ay nasa kusina, inihahanda 'yung mga binili naming pagkain kasama sila Envo, Kole at Koji.

"Uy! Pagkain!" Sigaw ni Red nang bumukas ang pinto. Tumayo pa s'ya at sinalubong ang kung sino mang nasa likod no'n.

Naiangat ko ang paningin habang nakasandal sa pader, ang mga kamay ay nasa keyboard kahit wala pa naman akong nasisimulang gawin. Pero tang ina! Sumasakit na agad mata ko.

Tumakbo rin si Wesley sa may pinto at ibinukas iyon, nakita kong nakangiti sakaniya si Math habang may hawak na malaking tupperware. Tinulugan naman ni Red si Kole na bitbitin 'yung mga junk foods na dala n'ya. Naglakad rin si Drei para kunin kay Envo 'yung dala nitong drinks, at si Taslan naman ay pangiti-ngiti lumapit kay Koji na may hawak na dalawang garapon ng cookies.

"Nasaan 'yung beer?"

Umismid ako sa hirit ni Red, wala na talagang pagbabago 'to. Beer ng beer. Hindi na yata dugo ang dumadaloy sa katawa n'ya, alak na.

"Pwede ba mamaya ka na ngumawa? Pukpukin kaya kita ng bote ng beer?" Inis na inilapag ni Math ang hawak n'yang tupperware sa sahig, sa harapan ko.

Napangiti ako nang maamoy ang niluto n'ya. Sarap! Carbonara ulit.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now