Chapter 34

1.4K 51 21
                                        

Sacrifice

Kenji's

"Hello, Shal? Hello— tang inang signal 'yan putol-putol ka! Umulan lang wala ng signal d'yan? Gubat ba 'yan?"

Napatakip ako ng tainga sa sobrang ingay ni Red habang may kausap sa phone n'ya, sumabay pa ang maingay na T.V. Tinignan ko pa s'ya ng masama dahil kanina pa ako hindi makapag concentrate sa ginagawa ko.

Nang ibaba n'ya ang cellphone at umupo na ulit sa couch, katabi ko, umiling ako at ibinalik ang paningin sa laptop na nasa hita ko.

Sumilip pa s'ya at natawa.

"Ano 'yan? Tatlong araw ka nang naghahanap ng perfect place para sa date n'yo ni Koji, ah? Wala pa rin?" Itinuro n'ya pa ang screen.

Sumandal ako sa couch at tumigil sa pagpili ng location sa google map. Tama s'ya, tatlong araw na akong naghahanap ng lugar kung saan kami pupwede pumunta ni Koji bago man lang kami umalis.

"Hindi ako makapag-decide, e. I've never done this before." I closed my laptop, leaned back my head, and looked up.

Tumango si Red habang nagiisip. Pati s'ya ay napakamot din sa batok.

"May suggestions sana ako kaso..."

Huminto s'ya kaya tinignan ko s'ya nang matagal.

"Kaso?"

"Kaso ayaw ko na pala. Gusto ko ako lang may idi-date doon. Gatekeep ko na lang sa'yo."

Nanliit ang mga mata ko at nagmura na lang sa utak ko. Wala na talagang aasahan sa mokong na 'to, e. Baka kapag kailangan mo ng check-up, igi-gatekeep n'ya hospital n'ya kasi gusto n'ya s'ya lang ang pupunta ro'n.

"May listahan kana ba nang mga pagpipilian?" Tanong n'ya saka dumikwatro.

Napakurap ako. Kailangan ba 'yon? Isa lang naman kailangan kong mahanap, ba't kailangan ilista ng mga hindi ko naman gusto puntahan.

"Wala pa 'no?" Ngumisi s'ya nang mapansing nagiisip ako.

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "E, ano? Kailangan pa ba 'yan?"

"Malamang!" Nagkunwari s'yang babatukan ako na hindi ko naman iniwasan.

"Ikaw ang nag paplano, e. Dapat meron! Ayaw mo naman siguro ng aberya? Kailangan may listahan ka para kapag hindi mo trip puntahan 'yung isa, 'yung iba na lang." Dirediretso n'yang sabi na may papikit pikit pa.

"Ewan." Tumikhim ako at umupo ng tuwid. "Wala akong nakikitang maganda tapos hindi maingay na dating place. Ayaw kasi ni Koji sa mga maiingay na lugar."

Tumango tango si Red at napahawak sa labi n'ya. Mukhang nagiisip din ng walang kwentang bagay.

Sa totoo lang, may gusto ako puntahan kaso... tatlong araw nang hindi nakikisama ang panahon. Uulan titila. Ayaw ko rin mag reklamo si Koji kapag gano'n na nga ang panahon habang nandoon kami.

"Pero may isa akong gustong puntahan, Red."

Nagkatinginan kami, seryosong tinginan. Umangat ng pantay ang kilay n'ya.

"Saan?"

Humangos ako at binasa ang labi bago nagsalita.

"Water complex. May mga water sports na pwede i-try at saka may picnic area rin sa lagoon. Maganda rin ang sunset view kaso..."

"Kaso ano?"

Huminto ako at humalukipkip, sinuklay ang buhok saka tinignan ang bintana sa may kitchen.

"Ang panahon kasi ayaw makisama." May inis sa boses ko.

"Ewan ko ba, lagi na lang tayong binabagyo. Pakiramdam ko nga sa condo lang natin umuulan, e." Biro n'ya kaya napangisi ako.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now