Totoo 'yon, gano'n nga ang pakiramdam. Siguro dahil hindi na kami makalabas sa building dahil sa ulan. Sa tatlong araw, simula nang makabalik kami galing sa place nila Wesley, walang tigil na ang ulan. Kaya hindi ko man lang maaya ng date si Koji, maarte pa naman 'yun.

"S'ya nga pala..." Napatingin ako ulit kay Red nang magsalita s'ya, nakanguso at pinipigilang mapangiti. "Saan 'yung water complex na 'yon?"

Umismid ako kasabay ng unti-unting pagpawi ng ngiti n'ya.

"Secret. Bakit ko sasabihin sa'yo? S'yempre i-g-gatekeep ko rin." Tumayo ako at umalis sa harap n'ya bitbit ang laptop ko. Umirap pa ako at nag martsa.

Narinig ko ang pagmura n'ya bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko. Natatawa ko naman s'yang pinagsarhan ng pinto.

Ngiting ngiti ako humiga sa kama at kinapa ang cellphone sa bulsa. Nakanguso kong tinawagan si Papa.

Ewan ko ba, kapag wala na akong matakbuhan si Kole at si Papa ang tinatawagan ko. Mabigat man o magaan ang problema, palagi akong tatakbo sa kanila.

"Hello, Pa? How are you?" Bungad ko nang sumagot s'ya.

"I'm good! Ikaw ang kumusta? Nakita ko na 'yung picture n'yo ni Koji! It's nice, ha!" Tuwang-tuwa n'yang sabi sa kabilang linya. Parang hinihintay n'ya pa yata akong tumawag para sabihin iyon, e.

"I'm good," Sa kilig ko ay dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha ro'n.

Rinig ko ang pag-ngisi n'ya. "Napatawag ka? Do you need something?"

"Kuha mo!" I shouted excitedly.

Humalakhak s'ya kaya natawa rin ako. Alam na alam, e. Tatawag kapag may kailangan.

"Magtatanong lang sana ako kung pwede akong pumunta sa bahay mamaya?"

"Oo naman!" Sagot n'ya agad-agad, ni hindi man lang nagisip. Malamang, bahay ko rin 'yon. Anak n'ya ako, e.

"Kasama si Koji?" Sabi ko na, e. S'ya lang ang hinahanap, hindi ako. Magaling.

"Of course, Pa. Edi nalungkot ka kung hindi." I rolled my eyes but my lip keeps stretching.

"Oh, sige na! Anong oras ba kayo pupunta para makauwi ako ng maaga?"

Ngumiti ako at umupo sa kama. Excited lang ako, may sasabihin ako sa kaniya, e. Pakiramdam ko kapag hindi ko 'to nasabi, mamamatay ako.

"Siguro after lunch? Aayain ko pa naman si Koji pero siguradong papayag 'yon." I answered.

"Oh, wait a minute! Don't invite the whole family, ha. I know you!" I added hurriedly.

Tumawa ulit s'ya, halatang iyon agad ang iniisip nang sabihin kong kasama ko si Koji, e. Kulang na lang pati 'yung mga nasa Spain, pauwiin n'ya.

"Okay! If you say so! Pero magagalit ang mga 'yon kapag hindi sinabihan. They love Koji very much." He said.

Natigilan ako ro'n. Gusto ko sana makausap si Papa nang kasama si Koji, 'yung kami lang tatlo, 'yung pormal. Pero... mas masaya kung buo.

"Sige na nga!" Pagpayag ko. Hindi ako napipilitan o kung ano pa man. Basta para kay Koji, payag ako.

Tumawa ulit s'ya at ramdam ko ang saya sa tawa na 'yon. Namiss yata kami nito, e.

"Bye, Pa!"

Binaba ko ang phone at pabagsak na humiga ulit sa kama. Parang hibang na nakangiti habang nakatingala sa kisame. Ang gaan nanaman sa pakiramdam.

Nang mapagtantong para na akong baliw na hindi nakainom ng gamot, tumayo na ako at inayos ang buhok sa harap ng salamin, pagkatapos ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa fish tank.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now