"Halika ka nga!"

Agad na tumakbo si Math at nagtago sa likod ko. Tumatawa lang ako sa upuan habang si Red ay isinali na rin ni Taslan sa hinahabol n'ya. Parang mga batang naghahabulan, na kapag nahuhuli ni Taslan ang isa sa kanila ay kunwari n'yang hini-head-lock.

Nanatili akong nakaupo, nanunood sa kanila, at nag vi-video pa. Hindi ako tumayo at sumali dahil wala na akong enerhiya para makipagbugbugan sa mga 'to.

I just smiled, breathed a sigh of relief, and enjoyed the good feeling. Of everything they said, only one thing mattered...

Tanggap nila kami.

Pagkatapos naming magbugbugan sa balcony, masyado ng madilim sa labas at malamig na rin kaya nagkaayaan nang pumasok at matulog.

"Hoy! Saan ka pupunta! Bumalik ka ro'n."

"Lilipat ako, gusto ko matulog dito."

Rinig ko pa ang mga bulongan nila Math, parang nanay na pinapagalitan nanaman si Red, nagdadabog pa talaga.

"Tsk! Pag 'yan nagalit sa'yo." Mariing bulong ni Math, rinig ko rin ang mga yapak nilang dalawa.

Bumangon ako at sinipat kung ano ang nangyayari. Madilim kaya kailangan ko pang lumapit sa kanila.

Lumipat si Red sa kung kanino man na higaan iyon, muntik na s'yang humiga ro'n. Siguro dahil sa sobrang kalasingan. Buti na lang at napigilan ni Math.

"Gusto ko nga dito, e!" Red whined.

Tinulungan ko na si Math na hilahin s'ya pero ayaw pa rin talagang umalis doon. Halos sabunutan ko na rin at baka magising ang nakahiga na gusto n'yang tabihan.

"Red, hindi mo higaan 'yan. Doon ka sa katabi ni Koji, 'di ba?" Paglilinaw ko, tuloy pa rin sa paghila.

Kung pupwede lang na ako na ang humiga ro'n, kaso nauna s'ya. Epal.

Lasing na umiling ang gago. "Hindi! Ito talaga ang kama ko! Nakipagpalit yata 'to sa'kin, e. Hindi ko naman katabi si Koji."

Napatingin ako sa bakanteng higaan sa tabi ni Koji. Nakatalikod s'ya doon pero sobrang lapit lang. Kung walang hihiga ro'n... ako na lang.

"Ay! d'yan na lang pala s'ya, Math." Agad kong binitawan si Red kaya't napahiga na s'ya sa higaan na 'yon.

"Hoy! Ba't mo binitawan?" Natataranta kinuha ulit ni Math ang kamay ni Red.

Pero hindi n'ya na kayang buhatin dahil bukod sa tumbang tumba na ang lasing, ayaw talaga nitong umalis.

"Tulungan mo 'ko!" Iritadong utos n'ya na hindi ko sinunod.

Umiling ako, "Ayoko. D'yan na 'yan, gusto n'ya naman d'yan, e. Saka parang... hindi naman nagigising 'yung katabi."

Sinilip ko pa ang nakahiga ro'n, nakatalikod pero alam kong lalaki. I smirked, traydor na kung traydor. Sana si Envo, para paggising nilang dalawa, magaaway sila ulit.

"Tarantado naman, oh! Tulungan mo na ako, Kenji." Hirap na umupo si Math sa sahig para hilahin ang paa ni Red.

"Hayaan mo na s'ya d'yan, Math. Wala naman kaso 'yan kahit tumabi s'ya d'yan, paggising nila tao pa rin naman silang dalawa." Dahan-dahan akong tumalikod na kahit pinagbabato na ako ni Math ng unan, hindi ako lumingon.

"Good night, Math, sleep well..." Mapangasar kong bulong habang pinupulot ang mga unan na binato n'ya.

Napamura s'ya pero hindi masyadong malakas, takot na baka may magising. Ako naman ay dali-dali ang paglalakad papunta sa higaan ko para kunin ang kumot saka marahang pumunta sa kabila. Humiga ako sa bakanteng higaan at pinagmasdan si Koji na nakatalikod sa'kin.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora