"Nagagalit ako kasi tinago nito ni Kenji," tinuro n'ya ulit ako na inirapan ko lang, "Alam kong mahirap magtago. Pati tuloy si Koji nahirapan."
Mabilis akong lumingon sa kaniya, nakangiwi at tinignan s'ya mula ulo hanggang paa.
"Oh, paano naman ako? Mahirap din kaya sa'kin." Giit ko.
"'Wag ka na." Ismid n'ya.
Napabuntonghininga na lang ako sa inaasta nito. Alam kong naiintindihan n'ya, gusto n'ya lang mangasar.
"Hindi naman kasi madaling umamin lalo na't hindi pa naman nagkakaroon ng boyfriend si Kenji dati. Tignan mo, gan'yan na nga agad reaksyon mo." Mahinahong paliwanag ni Math na tinanguan ko ng husto.
Humangos naman si Taslan, mukhang kumalma na. Parang dragon kung makasermon, e.
"Ang ikinaiinis ko lang, naisip niyo na hindi namin kayo matatanggap kaya n'yo tinago."
Umangat ang paningin ko kay Taslan. Simple s'yang ngumit at nagkibit.
"Anong taon na, oh? Yes, society might judge you both, pero kami? Tanggap namin kayo kahit sino pa mahalin ninyo." Malumanay n'yang sabi saka umiwas ng tingin.
Umangat ang dulo ng labi ko. Huminga ng malalim dahil gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi n'ya.
"Papaano mo pa kaya ipapaalam kay Drei?" Pero binasag agad ni Red.
Napakamot ulit ako sa aking noo. Bumalik ang kaba sa dibdib at halos itikom ko na ng todo ang bibig sa inis. Paano nga ba?
"Huwag mo isipin 'yon si Drei," bulong ni Math, "Maiintindihan n'ya 'to at kung magalit man s'ya, bubutasin ko 'yung gulong ng mga big bike n'ya."
He smiled at me, trying to convince me to believe what he was saying.
"Hindi naman nakadepende sa kaniya kung magmamahalan kayo o hindi. Hindi rin nakadepende sa nakararami. Sino ba sila?" Red added, and the three of us nodded at him.
Umupo si Taslan sa couch na sinundan namin. Magkakaharap kami sa upuan, napagod na sa kakatayo. Inilapag ko ang tasa sa maliit na mesa dahil hindi ko naman nakain ang ice cream.
"Sa katunayan, hindi n'yo naman kailangan ang opinyon ni Drei o ang opinyon namin." Sumandal si Taslan sa upuan at nanigarilyo, "Tanggap man namin kayo o hindi, gawin n'yo pa rin ang gusto n'yo. Huwag na 'wag n'yong poproblemahin 'yan. Kahit sino pa 'yan, walang karapatan na mangialam sa relasyon n'yo."
Nagkatinginan sila Red at Math dahil ang seryoso ni Taslan sa mga sinasabi n'ya. Pero kahit pagtawanan pa nila ng patago, that's well said and it slaps.
Now I'm more confident and proud. If anyone asks, I won't ever deny Koji. I have the support of not only my family and friends, but also Sir Anton.
"Maiintindihan ni Drei tapos ikaw hindi?" Hirit ni Math saka humagikhik at nakipaghampasan ng balikat kay Red.
Umangat ang ulo ni Taslan at tinignan sila ng masama.
"Manahimik ka!" Sigaw n'ya, "May hindi ka rin sinasabi sa'min. Sino 'yung may stallion na sinasabi ni Red?"
Naniningkit ang mga mata kong tinignan si Math na agad na natahimik. Pati si Red ay mapangasar s'yang kiniliti sa baywang.
"Wala 'no! Mga malisyoso." Umirap s'ya sa'min.
"Wala ka d'yan..." Paguulit ni Taslan saka ngumiwi, "Baka wala pa... ng label? Manliligaw mo 'no?"
"Wala nga!" Bakas ang pikon sa mukha ni Taslan dahil magkasulubong na ang kilay nito.
"Palibhasa wala kaming maganti sa'yo, wala ka namang lovelife. Walang ka-roma-romansa sa katawan." Math hissed.
"Hayop 'to!" Suminghap si Taslan saka tumayo at tumakbo papunta kay Math.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 33
Start from the beginning
