But honestly, I feel good with this freedom, even with the teasing.

I've never felt so free...

"Siguro kaya kayo natagalan umamin kasi pabigat ka." Nagpatuloy ang pangaasar ni Math habang si Red ay nakaupo na sa sahig, walang tigil sa kakatawa.

"Slow 'yan e. Hindi nga agad namalayan na... tinawag s'yang boyfriend ni Koji kanina." Hagalpak ni Red na pinanliitan ko ng mata.

"At least, sinagot n'ya na ako... sa harap n'yo." Mayabang akong tumango sa kanilang dalawa. May maiyayabang naman talaga ako.

Napawi ang ngiti nila at nagkatinginan, parang pinagbubulungan ako at may pagturo turo pang nalalaman.

"Ngek? Inggit ako." Red pretended to cry.

"Inggitero ka naman talaga." I barked.

Umatras ang ulo n'ya kasabay nang pagtawa ni Math, gustong gusto ang naririnig.

"Mas maiinggit ako kay Koji 'cause he's so brave para ipagsigawan na boyfriend ka n'ya." Humakbang s'ya papalapit, "You're so lucky you fucking dumbass man." Para lang sabihin iyon.

Hindi ako nakaimik agad. Ang swerte ko nga sa kaniya, ang tapang n'ya para gawin 'yon. It's hard to lead, but he did.

"Minura pa ako. Bakit? Sa tingin n'yo ba... hindi ko deserve si Koji?" Ngumuso ako at kumurap.

Sumeryoso ang ekspresyon nila saka nagmamadaling lumapit sa'kin. Hinawakan nila ako sa balikat at inalog iyon.

"Matino lang lalaki. Oo, basagulero ka, pero alam kong gagamitin mo 'yon para protektahan si Koji." Ngumiti ng simple si Math saka sumandal paupo sa railings.

"At saka wala ka naman nang masusuntok, buwag na 'yung gang ni Froi." May inis sa boses ni Red, parang hindi pa nawawala 'yung galit n'ya sa tropahan nila Froi.

Speaking of the devil, hindi ko na nakikita 'yon. Siguro dahil hindi na ako nagagawi sa field.

Natigilan kami nang makitang papalapit si Taslan. Dumiretso s'ya sa'kin kaya naman umayos ako ng tayo. Inabutan n'ya kami ng tasa na may ice cream, ngumiti pa ako sa kaniya nang bigla n'ya akong sabunutan.

"Aray! Bakit ba?" Sigaw ko pero hindi ko na nalakasan nang batukan ako ni Math. Baka raw magising 'yung mga nasa loob.

Tinignan ko nang masama si Taslan na gigil akong hinampas sa balikat.

"Ikaw... akala mo wala kang atraso sa'kin? Meron!" Mariin n'yang sabi na tinuturo pa ang mukha ko.

Napahawak ako sa balikat ko at ininda ang hampas n'ya.

"E, lagi ka namang wala. Talagang hindi mo malalaman." Giit ko, gusot ang mukha, "At saka, akala ko ba okay lang sa'yo?"

"Ekele ke be ekey leng seye-" He mocked me, "Sinabi ko lang 'yon para kay Koji."

"Ba't naging kasalan ko?" I murmured, nakanguso at matalim ang tingin sa tatlo.

Humawak si Math sa balikat ni Taslan at hinimas iyon, pinapakalma s'ya.

"Tol, kumalma ka—"

"Isa ka pa! May oras ka para sabihin sa'kin hindi mo ginawa." Taslan cut him off. Mataray n'ya ring tinanggal ang kamay ni Math.

"Bro, alangan naman pangunahan namin si Kenji." Si Red na agad na natigilan nang humarap sa kaniya si Taslan.

"Ikaw rin! Kayong dalawa ni Math!" Inis n'yang itinuro ang dalawa, "May oras kayo para sabihin sa'kin, inuna n'yo pa kasi lumandi."

Natawa si Red saka hinila ang daliri ni Taslan. "Ang bitter nito, para kang nanay kung pumutak."

Binawi ni Taslan ang daliri n'ya saka humarap ulit sa'kin. Umiwas ako ng tingin dahil ako nanaman ang sisigawan nito.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now