Hindi ko nga maalala, e.

"Sabihin mo na lang, Red." Iritado kong sabi. Kaunti na lang magdadabog na ako rito.

Humangos s'ya at isang beses na tumango, napakamot pa s'ya sa batok bago nagsalita ulit.

"Math asked you that night if gusto mo ba si Koji, and you said 'Hindi ko alam.' I was like, 'Oh, I think I'm so fucking drunk I'm hallucinating,' because why would Math ask that?" Walang tigil na paliwanag n'ya.

"Pero narinig ko rin na crush ni Koji 'yung nasa 2gether," habol n'ya na nakapagpabagsak ng ekspresyon ko.

Umismid ako. "Iyon pa talaga natandaan mo, 'yung Sarawat na 'yon."

"Oh, ano naman? Nagseselos ka sa character na 'yon, e, and dami n'yong similarities." Tinuro n'ya ako mula ulo hanggang paa.

"Pinanood namin ni Drei 'yan kaya alam ko at mas naghinala ako na baka... crush ka rin ni Koji."

Tumango ako, may point kasi. Basta crush ako agree na ako agad d'yan. Samantalang ako, totoo talagang nagseselos sa Sarawat na 'yon.

"Mula sa sports na hilig mo," inilapag n'ya ang mga daliri n'ya na parang may binibilang, "Sa instrument na tinutugtog mo, sa paboritong mong pagkain parehong pareho kayo."

"That's his favorite series, I shouldn't be jealous." I breathed.

"Right? Why would you be jealous of that character when Koji sees you with him?" Umangat ng pantay ang kilay ni Red saka bumungisngis. Kala mo cute.

Inirapan ko si Red at s'yempre, hindi rin nagpatalo. Tinignan n'ya ako ng masama, may patango tango pa habang nakangiti, halatang may kagaguhan na gagawin.

"Napaka seloso mo, halata ka masyado. Hula ko pati ako pinagselosan mo, halos patayin mo na sa mga tingin mo, e."

I gasped.

"Gago! Hindi!" Giit ko kahit totoo naman talaga.

Nasaktan ko pa si Koji dahil lang sa selos ko kay Red. S'yempre itatanggi ko! Sino ba namang aamin na nagselos ako sa isang red haired?

"Hindi raw..." Pinaningkitan n'ya ako ng mata, sinusuri ang nakangiwi kong mukha.

I mocked him, imitating what he just said, but it seems I only made myself more obvious. He laughed loudly, which probably also attracted Math, and he approached us.

Tinapik ko si Red nang makitang papalapit na si Math sa'min. Nakangiti na agad.

"Math, kailangan mo nang matulog. Kanina mo pa sila inaasikaso," Red nodded aggressively.

"Inasikaso mo rin 'yung... boyfriend ni Kenji." Mapangasar na dagdag n'ya na sinakayan agad ni Math.

"Hindi ka pa ba tatabi sa... boyfriend mo?"

Nag-high-five pa ang dalawa. Imbes na mainis ay natawa pa ako. Tumalikod sa kanila at napapakamot na lang sa noo.

"Oh? Bakit ka tumatawa? Naninibago ka na tawagin namin si Koji na boyfriend mo?" Puna ni Math, "O baka naman... kinakahiya mo si Koji?"

Mabilis kong naibalik ang paningin ko sa kanila.

"Hindi 'no!" Umiling ako, "Hindi ko s'ya ikinakahiya! Baka gusto n'yo mag-set na ako ng relationship status sa Facebook."

Humagalpak ang dalawa, napatadyak na lang ako sa sahig sa inis.

"Relationship status daw? E, hindi ka nga makapag online, mag-se-set ka pa."

"Mag-se-set daw? Akala mo talaga i-a-approve ni Koji sa pending."

Nasapo ko ang noo ko at napapikit ng saglit. Nakakainis 'tong mga 'to. Kailan kaya ako magkakaroon ng skills para balian sila ng leeg?

Go Through The Spark (Red String Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt