Natawa ako at napapailing, pero napaisip din ako na tama s'ya. Kung hindi n'ya siguro napahapyawan sila Taslan, baka gulat na gulat 'yon.
"Edi thank you." Walang emosyong sabi ko, tumayo ng tuwid at taas noong tumingin sa kaniya.
Tumango naman s'ya, "Welcome. Matagal ko naman nang alam, hindi lang ako sure."
My brow knitted. Alam ko nang alam na nila, pero s'ya? Paano n'ya naman malalaman kung nirereto n'ya ako sa sandamakmak na babae?
"Alam mo na pala, binubugaw mo pa ako sa club." I looked him up and down teasingly.
He scoffed and shook his head, "Trip ko lang, I just wanted to see how you'd react, so I could confirm it by myself."
Ngumiwi ako. Siguro gustong gusto n'yang nakikitang tinatarayan ako ng lubos ni Koji. Masaya s'ya ro'n?
"Paano mo naman nalaman?" Usisa ko, sinuklay ang buhok at tumingin ng diretso sa kaniya.
"Baka magulat ka," Umiwas s'ya ng tingin at nagkibit ulit.
Tumaas ang kilay ko. "Bakit? Nakita mo ba kaming naghalikan?"
Suminghap s'ya at mabilis na lumingon sa'kin. S'ya pa yata nagulat.
"Nag kiss kayo?"
"Malamang." Umirap ako. "Nagulat ka pa talaga? Alangan naman ikaw ang halikan?"
Yeah, my jealous ass just said that.
"E, 'di ba ngayon ka lang n'ya sinagot?"
Natigilan ako bigla. Naitikom ang bibig at pakurap kurap na umiwas ng tingin. Humalaklak naman si Red at itinuro ang mukha ko.
"Ayan! Ang mga isda nahuhuli sa sarili nilang bibig—"
"Paano mo nga nalaman?" Pagiiba ko sa usapan, hinawi ko ang kamay n'ya at nag-akma pang babatukan s'ya pero mabilis s'yang umiwas.
Tawang tawa s'yang umatras, hindi pa rin tumitigil na ituro ang pagmumukha ko. Nawala 'yung kaba ko kanina, napalitan ng inis.
Hinintay ko pa s'yang tumigil sa kakatawa bago ko inulit ang tanong.
"Paano mo nalaman? 'Yung totoo na."
Iniangat n'ya ang kamay n'ya at tinakip sa mukha ko na agad kong tinanggal. Pinaningkitan ko s'ya ng mata kaya dahan-dahan na rin s'yang tumigil.
"Heto na! Excited ka? Akala mo naman cute..." Sinusubukan n'yang tumigil habang ako naman itong napipikon na kahihintay.
"At first, I was in denial." Panimula n'ya.
Kunot noo akong sumandal ulit sa railings para makinig.
"Hindi kasi ako sigurado sa narinig ko noon," He gave me the side-eye, up and down. It felt like he was judging me.
"Narinig saan?" Kuryuso kong tanong.
Humarap s'ya sa'kin at ngumiti, "Naalala mo ba 'yung pagkatapos ng gig natin sa Aries Club?"
Tumango ako kahit iniisip ko pa kung anong nangyari no'n. Nakalimutan ko na.
"Hinatid mo ako, pati na rin sila Math at Wesley. I was so drunk that time kaya nakatulog ako sa kotse mo."
I nodded, pinapakitang intrigang intriga ako sa kwento. Tumango rin s'ya.
"Naaalala mo ba kung anong pinagusapan n'yo ni Math?"
"Hindi."
Napamura s'ya sa hangin na halos hindi n'ya mabanggit. "Ano ba 'yang memorya mo? Mas mahaba pa 'tong alaga ko."
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 33
Start from the beginning
