"At saka... matagal na rin naming alam." Si Wesley na dalawang beses kong sinulyapan.
Nangunot ang noo ko. Nakaawang ang bibig at hindi alam ang sasabihin. Matagal na nga talaga nilang alam? Ako lang yata mang-mang dito.
"Ano?" I scratched the back of my neck.
Ngumisi si Taslan at saka natatawang itinuro si Red, "Ito kasing si Red, e. Pinipilit kami na pumusta na may relasyon kayo kasi siguradong panalo raw kami. Baliw."
Dahil sa pusta ni Red?
Nag-high-five pa ang dalawa na mukhang proud pa sa ginawa nila. Tama nga si Envo, mga baliw. Pinagpustahan pa kami.
"Hindi ba kayo galit o... nandidiri man lang?"
Natigilan ang lahat nang si Koji ang magtanong. Napalunok din ako at akma na sanang lalalit nang unahan ako ni Math.
"Ji, bakit kami magagalit? Hindi naman kami Dios para humusga." Ani n'ya.
"Isa pa, hinihintay lang din namin kayo na umamin, 'di ba Kole?" Si Avry na parang lintang nakakapit kay Kole na nagpupumiglas.
"Oo na, hinihintay lang natin-pero bumitaw ka naman. Parang hinihigop mo na ako, e."
"Bitaw kasi girl." Bulong ni Poly saka hinila ang buhok ni Avry na parang normal na 'yon sa kanila.
"Chance n'yo na kaninang lunch, rehearsal n'yo 'yon, 'no?" Biro naman ni Red.
"Come on, Kenji. Tanggap namin kayo. Tama si Math, sino ba naman kami para magalit? We are very very happy and proud of you both." Si Taslan na inalog pa ang balikat ko.
Hindi ko nakakibo. Halos wala nang pumapasok sa utak ko dahil hindi ko naiintindihan ang nangyayari, pero sa loob-loob ko, masaya ako, I just can't express it.
"Let's party!" Anyaya ni Red na umakbay din kay Koji.
"Fuck you. Ang saya mo kasi may pusta." Bulong ko na tinawanan n'ya lang.
"Pumarty na! Ang daming ebas."
Humiyaw sila, nag sayawan habang may kanya-kanyang hawak na baso, sumasabay sa bawat tugtog, at pilit na ipinagdidikit kami ni Koji sa gitna na parang kasalan iyon.
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Masaya ako pero hindi pa rin makapaniwala dahil sa gaan ng pagtanggap nila. Nagkakangitian na lang kami ni Koji sa tuwing nagtatama ang paningin namin.
And with that, the weight on my heart suddenly lifted.
"Ang solid! Sana maulit 'yung ganito." Nakangiting sumandal si Red sa railings ng terrace, pinagmasdan si Math na kumutan ang lahat.
Tapos na ang inuman at naihatid na namin ang girls sa kanya-kanya nilang higaan, pati na rin si Koji, Poly, at Wesley na hindi naman lasing pero tumba na, si Envo naman ay nagpaiwan sa duyan dahil hindi raw s'ya makatulog sa loob.
Ako, si Red, Math at Taslan na lang ang gising kaya kami na rin ang nagligpit sa mga kalat.
"Himala at buhay na buhay ka pa. Usually naman isa ka sa mga nakahilata agad pagkatapos ng inuman." Namulsa ako at ipinatong ang siko sa railings.
"I don't know bakit ang energetic ko ngayon, buhay na buhay din 'tong diwa ko." Nagkibit s'ya, "Feeling ko nga kaya ko pang mag jogging ngayon, e." Biro n'ya pa na inismiran ko.
"Mag jogging ka na lang pauwi, wala ka naman nang silbi, e, hindi ka marunong mag drive." Dagdag ko sa biro n'ya na sinimamgutan n'ya agad.
"Anong wala? Magpasalamat ka sa'kin na dinadahan dahan ko na kila Taslan na possibleng may relasyon kayo. At least, nag expect na sila." Naniningkit ang mga mata n'yang nagyayabang sa'kin.
CZYTASZ
Go Through The Spark (Red String Series #1)
LosoweA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 33
Zacznij od początku
