Maya-maya, inutusan ni Math si Red na kunin na ang mga gamit nila sa taas para mas masali nang madala na sa sasakyan sa baba. Naiwan kami ni Math sa kitchen.

"'Yang mga ngiti mong 'yan... para kang napagbigyan kagabi." He said teasingly, causing my expression to fall. I didn't realize I was already smiling.

"Napagbigyan? Manahimik ka!" Nakangusong giit ko.

"So oo nga? Naglambingan kayo? Kiss-"

"No!" I shouted. Kahit totoo naman talaga.

Lumawak ang ngiti ni Math, nangaasar. Habang inilalagay n'ya ang mga chips sa isang bag ay dahan-dahan s'yang lumapit sa akin at saka bumulong.

"Itanggi mo pa. Ang taas nga ng tono mo?" Lumayo s'ya ulit taas noong tumingin sa akin.

I took a deep breath and cleared my throat.

"Wala nga."

"Sus! Nakita ko si Koji kagabi! Lumipat s'ya ng kwarto."

Napahinto ako. Pati ba naman 'yun nakita n'ya? Tsismoso talaga. Parang CCTV ng condo unit 'to, e!

Ngumiwi ako, "D'yan ka na nga kukunin ko na bag ko!"

Iniwan ko na s'ya ro'n, nakangiti pa rin s'ya habang ako naman, padabog ang yabag ng paa papasok sa kwarto ko. Mabilis kong hinablot si Chico na nasa kama. Susuntukin ko na sana nang maalalang anak namin ni Koji 'to. Kaya inabot ko na lang 'yung unan ko at pinagsusuntok iyon.

Asar! Wala man lang akong maibalik kay Math! Lagi nalang ako! Hintayin mo Manthenew, hintayin mo lang. Susuntukin ko leeg mo kapag nagkaroon ka ng boyfriend o girlfriend.

Tumigil ako. 'Yung inis ko napalitan ng kilig sa isang iglap. Despite everything, nakakatuwa pa rin naman. At least there's someone I can be open with, someone I can tell everything about Koji and me.

Kilig pala dapat? Ba't naiinis pa rin ako? Uy, si gago! Ayaw na may makaalam ng clingy side n'ya-ay ako pala 'yun.

Mga ilang minuto pa akong natulala bago ko kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Nagkakagulo pa sila Elona sa living room, parang may nawawala.

"What's wrong?" I asked and threw my bag on the side of the couch.

Lumingon sa akin si Elona na nakaupo si couch katabi si Poly na walang imik.

"Si Kole kasi, wala pa rin. Umuwi 'yun kagabi." Sagot n'ya habang may tinitipa sa cellphone.

"Umuwi?" My brow knitted. Ba't naman uuwi 'yun? Pabida talaga.

"Ewan. Ang sabi n'ya kagabi, susunduin mo raw s'ya ngayon." Si Envo na tinutulungan si Erese sa mga binubuhat nitong bag.

"Talaga? Ano ako utusan?" Ismid ko.

Nagkibit sila. May choice ba ako? Utang na loob naman, lagi na lang.

"Sunduin mo na lang! Irap ka nang irap d'yan, Kenji. Masusundo ba ng mata mo 'yung kapatid mo?"

Napatingin ako kay Red na nasa may kitchen counter, dahil sa sinabi n'ya. Tinignan ko s'ya ng masama, ngumiti s'ya sa akin na halatadong peke naman.

"E, ito kayang kamao ko..." I squinted and lift my fist, "Masusundot kaya nito 'yang mata mo?"

Red scoffed, "Daming dada! Takot ako."

Umirap ako at pumaling sa ginagawa n'ya. May hinahalo s'ya sa maliit na bowl.

"Ano ba 'yan?" I asked as I approached. I rested my elbow on the kitchen counter and watched him.

"I'll dye my hair later. Testing lang 'tong mix sa kilay ko." Red pointed his eyebrows.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now