"May plastic sa ulo ampota." I burst out laughing. Hindi na ako nakatiis at pinagtawanan ko na lang si Red habang tinuturo ang plastic sa ulo n'ya.

"Luh, baliw." Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa pero mas natawa lang ako.

Parang gagong nakatayo sa harap ko, dala ang bag ng girls at nakabusangot. May kulay pulang bahid sa pisnge dahil sa hair dye na inilagay n'ya ngayon. Kaya pala may plastic sa ulo, baka habulin na s'ya ng salon n'yan.

"Bakit hindi mo muna binanlawan?" Tanong ko, nakahawak sa tyan kakatawa.

"Hindi pa nga 45 minutes! Doon ako magbabanlaw." Giit n'ya na parang bata kung ipaglaban ang sarili.

"Bakit doon?" I wiped the tears from my eyes. Tears of joy.

He sighed. Bumagsak ang balikat n'ya at halatang pikon dahil sa pagkaka-tikom ng bibig. He looks so done.

"Ano ba pupuntahan natin? Hindi ba tubig? D'yan ka na nga!"

Tawang tawa pa rin ako kahit padabog na naglakad si Red pababa ng bahay. Simunod naman sa kaniya si Koji na tinignan ako ng masama kaya natigilan ako. Parang minumura n'ya na ako sa mga tingin n'yang gan'yan.

Nilakad lang namin papunta sa ilog dahil sabi ni Wesley, malapit lang daw. Ang poproblemahin lang namin ay ang mismong daan.

"Aray, puta!" Nadapa na nga si Red na naglalakad sa harap ko. Imbes na tulungan ay tinawanan ko pa s'ya. Hindi naman s'ya kumibo at naglakad na ulit.

Naglakad kami sa malawak na taniman ng mais, at nang makalagpas kami ron, nandito kami sa matarik at madulas na daan papunta sa ilog. Pero ayos lang, rinig na rin naman namin ang agos ng tubig, ibig sabihin... malapit na kami. Malapit nang mamatay.

Nakailan na yatang dapa at tisod si Red na lagi ko lang tinatawanan. Inunahan ko na s'ya, nagpalit kami ng pwesto dahil baka maiwan kami. Nahuhuli na nga kami sa grupo, baka maiwan pa.

"Ba't ba ang dali mong madapa? Declining na ba 'yang tuhod mo?" Tanong ko habang nakakapit sa lubid na nasa gilid ng daan, palingon lingon kay Red na medyo hindi ko maintindihan ang mukha.

"I don't know, nanginginig tuhod ko, e."

Natigilan ako at pinihit ang ulo para harapin s'ya. Tumigil rin s'ya, malayo sa akin. Parang hindi naman s'ya naglakad simula nang magpalit kami ng pwesto.

Pinagpapawisan si Red hindi dahil sa plastic sa ulo n'ya dahil tinanggal n'ya na 'yon habang naglalakad kami sa maisan. His hair's just brush backwards, red and wet.

My brows furrowed. Ayaw n'ya talagang maglakad, his gaze fixed on the sheer drop below, a dizzying expanse of wood, its depth unfathomable. The bottom was invisible, a void we couldn't measure.  So... was he...?

"Afraid of heights, huh?" Namaywang ako at seryoso ang tingin sa kaniya.

He pursed his lip and gently nodded.

Tumango rin ako at naglakad papalapit sa kaniya. Para sana samahan s'ya at sabay kaming mahulog kung sakali—joke!

"Tara na. Hawak ka sa balikat ko—"

Before I could finish, someone nearly shoved me aside, hurrying towards Red.

"Humawak ka sa'kin." Mahinhin na sabi ni Poly na nakangiting tinatanggihan ni Red.

Habang ako? Heto, nakakapit sa lubid at muntik na maging kwento. Pakiramdam ko nga nag-init ang magkabila kong pisnge dahil sa gulat. I was about to get angry, but seeing his willingness to help Red, huwag na nga lang.

"Halika na, ayos lang naman."

"Huwag na, hoy! okay lang ako! Ano ka ba."

Ewan ko ba, may iba akong nararamdaman sa dalawang 'to. Kailan pa sila naging close? Pero ba't naman ako nangingialam, 'di ba? E, hindi ko nga rin alam kung paano naging magkaaway si Red at Envo. Pareho lang 'yun.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now