Well, I agree with him. Hindi man agad agaran, pero kailangan.

"They have to know." I breathed and brushed my hair backwards.

Sumubo si Math ng mangga, nakatingin rin kila Envo na nasa initan, "Gets ko 'yung pressure, men. Gets na gets." Bulong n'ya saka huminga ng malalim.

Agad akong napalingon sa kaniya, kunot ang noo ko dahil sa tono n'ya. Parang mas problemado pa kaysa pinaka problemadong tao sa mundo, e.

"May boyfriend ka na ulit, 'no?" I blurted it out.

"Huh?" Halos maubo si Math pero natatawa rin at the same time, "Nag advice lang may boyfriend na agad?"

"Well, that's the first thing that came up to my mind. Relate ka yata, e." I laughed.

Umismid s'ya kasabay ng pag-iling n'ya.

"Talaga naman! Alam ko ang pakiramdam ng may tinatago at ang pakiramdam ng... tinatago."

Oh, right. Alam na alam n'ya ang ganitong pakiramdam.

"Math—"

"Anong tinatago?"

I was about to comfort him but Taslan interrupted us. Mabilis kaming napalingon sa likod, umawang ang bibig namin pareho dahil sa pagka-taranta.

"A-Ano... tinatagagong ano...." Math gulped.

Ako naman itong pabalik balik ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam anh ipapalusot ko. Mamamatay na ako rito.

"Tinatagong ano, Math?" Inilapag ni Taslan ang hawak n'yang tasa na may bagoong sa mesa.

"Mangga!" Ewan ko ba, lahat yata ng nasa utak ko lumalabas agad sa bibig ko. Hayaan n'yo na lang ako.

"Right! Sabi ko kasi kay Kenji itago n'ya na 'yung ibang mangga kasi iuuwi namin sa unit. 'Yun! HA-HA!"

"HA-HA-HA!"

Kunwari pa kaming tumatawa ni Math habang naghahampasan ng balikat. My eyes flickered when I saw the girls turn, looking curious about what was happening. Baka magtanong pa 'tong mga 'to, ha. Ipapaluwa ko 'yang mangga na kinuha namin.

"'Di ba? Ang sarap kaya kumain ng mangga! Lalo na pag may chitcharong baboy HA-HA!"

"Munggo 'yun, Math, HA-HA!"

Pigil ang tawa ko sa biro ni Math. Hindi na yata peke 'tong tawa ko pero sabay lang sa acting. Bwiset na bwiset pa ako kung paano umakto si Kole kaninang umaga, ganito rin pala ako.

"Ahh!" Taslan laughed with us, "Sige ako bahala, mag-uuwi tayo sa unit ng marami!"

"Ayun! Thanks!"

Pareho kaming nakahinga ng maluwag ni Math lalo na nang maglakad si Taslan papunta sa girls. Tumalikod kami at may pasimpleng suntukan sa ilalim ng mesa.

"Pahamak ka rin, e 'no?" Bulong n'ya na hindi bumubukas ang bibig, kunwari'y nakangiti lang.

I laughed awkwardly.

"Gantihan lang talaga, Math."

Muntikan na 'yon. Nakakailan na akong near death experience ngayong araw, ah. Tama na po, Lord, si Red naman po. Hindi lang naman ako 'yung may nililigawan rito, e.

Hindi nagtagal, nagka-ayaan ng pumunta sa ilog para masimulan na ang photoshoot nila. Kanya-kanya kaming dala ng mga gamit namin. Nag sunscreen pa sila Erees at Elona sa kanilang katawan, pati na rin sila Envo at Kole na sobra-sobra na ang pag spray sa mukha at nagmukha ng multo ang dalawa. Natatawa na lang ako sa kanila.

Pero ang mas nakakatawa ay itong padaan daan sa harap ko. Pigil ang tawa ko habang tinitignan s'ya habang s'ya naman, nagtataka at maya't mayang tumigil sa harap ko para tignan ang reaksyon ko.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now