"Sorry Earth, nahila pa kita sa tampuhan namin, ah. At thank you na rin kasi inalis mo ko sa hot seat moment na 'yun kanina." I smiled sweetly kahit wala naman akong nginingitian.
"Sus! Wala 'yon. Ang awkward din naman kasi kung mag-s-stay ka pa ron pagkatapos ng nangyari. Baka matunaw ka. Mawawalan ako ng pinsan na mahangin." Biro n'ya na hindi ko na pinansin dahil lumilipad yata itong utak ko.
"Sorry talaga—"
"Manahimik ka na, Kiks. Nagfofocus ako rito, e! Kailangan kong makuha itong mga hinog!" Singhal n'ya kaya natigilan ako.
Umirap na lang ako at nagpatuloy sa pagpulot. Nag-e-emote 'yung tao, e.
Pagkatapos naming kumuha ng mangga, bumalik na kami ulit kami sa pwesto namin kung saan kami kumain.
Idiniin ko ang mga palad ko sa mesa pagkatapos namin ilapag doon ang isang sakong mangga na pinagkumpulan agad ng girls at kinain iyon habang nag-aayos sila ng sarili. Kanya-kanyang lagay ng kung ano-ano sa mukha habang si Avry pa lang ang tapos na sa pag-m-make-up.
Tanaw ko si Envo na tumakbo sa initan, naroon sila Poly at Koji na may tinutulak na kung ano. Sila Taslan at Wesley naman naririnig kong may ginagawa sa loob ng bahay.
"Thank you, Kole!"
"Luh? Ba't sa'kin ka nagpapasalamat e hindi naman ako ng kumuha n'yan."
"Edi... thank you sa kuya mo!"
Rinig ko ang usapan nila Avry at Kole na tinawanan naman ng kambal. Tinignan nila ako kaya napailing na lang ako. Baliw rin itong si Avry, nagpasalamat ba naman sa kapatid ko kahit hindi naman namin s'ya kasama sa pagkuha ng kinakain nila ngayon.
Pumaling ang paningin ko kay Math nang kumuha s'ya ng mangga sa harap ko. Tumingin pa s'ya sa paligid bago lumapit sa akin.
Umakbay s'ya sa akin at muling nilingon ang girls bago bumulong. Ako naman itong ibinaba ang balikat para pumantay sa kaniya.
"Tangi.."
Naningkit ang mga mata ko dahil iyon lang ang sinabi n'ya. Dude, I'm serious here.
Tumawa s'ya habang binabalatan ang mangga na hawak-hawak n'ya.
"Saya?" My brow raised as I crossed my arms.
Tumigil s'ya sa pag-tawa at saka seryosong tumingin sa akin.
"Alam mo ikaw, wala ka talagang control. Hindi ka marunong mag-ingat."
Napaatras ako sa sinabi n'ya at saka umismid. Kasalanan mo nanaman?
"Salamat kasi sa'yo, ang galing mo tsumempo!" Sarkastikong sabi ko na sinabayan n'ya naman at tinapik pa ang dibdib.
"Pero hindi nga, seryoso na," Nag-iba nanaman ang ekspresyon n'ya, "Hindi ka ba natatakot o kinakabahan?"
"Hindi. Not at all." I answered immediately without even thinking.
Tumango si s'ya at umangat ang dulo ng labi, mukha gusto n'ya naman 'yung sagot ko.
"Alam ko ilan sa amin alam na ang tungkol sa inyo. Mga pinsan mo, kapatid mo pero...." Lumingon ulit s'ya sa paligid at ayaw yata n'yang may makarinig sa amin, sobra na sa ingat.
"Kailan n'yo sasabihin sa iba nating friends?" He whispered.
Doon ako natigilan, napakamot sa batok, kagat ang labi at nasa mga paa ang tingin. Nagkibit ako.
"I don't know. Kailangan ba talaga agad-agad?" Mahinanahong tanong ko.
Math frowned at me, "I mean, hindi n'yo naman obligasyon na mag-paliwanag sa iba. You guys don't have to. Pero ang hirap din kumilos kapag may tinatago, e. Lalo na sa circle natin, palagi pa naman tayo magkakasama."
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 31
Start from the beginning
