Rinig kong ngumisi si Envo sa taas kaya lumapit ako sa puno at tumingala.
"Anong tinatawa tawa mo d'yan?"
"Para kasi kayong mga highschool, tampuhan dito tampuhan doon. Mga bata." Natatawang sagot n'ya habang may hinuhugot sa kaniyang bulsa.
Pantay na tumaas ang kilay ko, "E, bata pa naman talaga si Koji? Sana naiintindihan mo, 'di ba?"
"Oo nga, kaya nga natatawa ako." Inginuso n'ya ang mahaba at payat na kawayan na nakatumba si lupa.
Alam ko nang pinapaabot n'ya 'yung panungkit kaya nilapitan ko iyon at kinuha.
"I know we're too young to make decisions in life. At 'yang relasyon n'yo, pwede pang tawaging young love lalo na't first time n'yo, 'di ba?"
Tumango ako at iniabot sa kaniya ang panungkit. Iniabot n'ya rin sa akin ang sako na galing sa bulsa n'ya. Handang handa, ah?
"Relasyon n'yo 'yan, nasa sa inyo na kung kailan n'yo sasabihin sa sa friends n'yo. Ang problema sa inyo, hindi n'yo pinaguusapan." Parang galit na nanay ang tono n'ya kaya napakunot noo ako.
Kailan pa s'ya naging ganito? Kung makapagsalita parang ang daming experiences sa buhay.
"Oo na tama ka na!" Inirapan ko s'ya, "Ikaw na mismo nag sabi na young love 'tong relasyon namin."
Umirap din s'ya pabalik na parang ang laki ng kasalanan ko? Nagsimula na s'yang manungkit ng mangga kaya binuksan ko na rin yung sako at lumayo ng kaonti sa punong kahoy.
"You know what, our relationship? It's not..." Seryosong bulong ko na nakapagpatigil kay Envo, "It's not perfect and we're not matured enough to handle this kind of situation perfectly."
Tumango s'ya na parang nasapul ko ang pinupunto n'ya, "Totoo." Tumango rin s'ya at nagkibit.
"And also, Koji is so young to understand and to know how important communicating is." Nagsimula akong mamulot ng mga manggang nahuhulog na sinusungkit ni Envo.
"Kaya n'ya naman at alam kong alam n'ya, it's just that we're not matured all the time." Tumingala ako saglit pero wala na si Envo sa paningin ko, umakyat pa yata sa pinaka taas.
"Nasaan ka?" Sinipat ko s'ya sa taas ng puno at kumaway naman s'ya.
"Dito! Tuloy mo lang 'yang sinasabi mo!"
Tumango ako at parang gagong nagpatuloy naman sa pagsasalita habang namumulot ng mangga, kahit pwet ko rin lang naman ang makakarinig.
"Ayun nga, tama ka hindi namin napaguusapan 'yung tungkol sa kung kailan o papaano namin sasabihin ng maayos sa friends namin. Mali ko rin at... ako dapat ang nagtuturo sa kaniya ng mga bagay-bagay. Mali ko rin na..."
Tumigil ako saglit at sinilip s'ya kung nasaan man s'ya sa taas.
"Nasaan ka naman ngayon?!"
"Dito!"
Napakunot noo ako nang marinig ang boses n'ya sa kabilang puno.
"Bilis mo naman?" Naglakad ako papunta sa kabilang puno at nagdrama na ulit. Namulot na ulit ako ng mangga, hindi ko na nga alam kung bagong hulog ba 'to basta pulot lang nang pulot.
"As I was saying, mali ko kasi hindi naman ako nag-tanong, hindi ko s'ya kinausap, hindi namin napagusapan."
"Exactly! That's what I'm talking about!" Envo shouted, and I turned to locate him, trying to pinpoint the direction of his voice.
Napakamot ako sa noo dahil hindi mo s'ya mahanap, "Ano ka ba Dios ka ba at kailangan pa kitang tingalain?"
Tumawa lang s'ya, malakas iyon kaya rinig ko. Hindi na s'ya Dios, kapre na. Umiling na lang ako at pinulot ang mga mangga na bagong hulog.
DU LIEST GERADE
Go Through The Spark (Red String Series #1)
SonstigesA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 31
Beginne am Anfang
