"What's our problem ba?" Dahan-dahan ko s'yang ibinalik sa harapan ko.
Hindi s'ya sumagot agad, ang alam ko lang galit na galit s'ya sa'kin dahil sa sama ng tingin nito. Kahit na gaano pa kalabo ang paningin ko ngayon, kitang-kita ko kung gaano kakulot ang kilay n'ya.
"Are you mad at me? Be honest."
"Ikaw kasi!" He roared.
Napaawang na lang ang bibig ko sa gulat. Galing nga s'ya sa akin pero hindi ko naman alam kung bakit.
"Ako? Anong ako—"
"Omae! Nani dayo!"
Ay.
Natahimik ako at napalunok sa sagot n'yang hindi ko maintindihan. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
Pano ako sasagot d'yan? Oo, nag-aral ako ng nihongo pero wala 'yon sa inaral ko! Actually, wala talaga akong matandaan.
"O-Okay. Ako na." I whispered while nodding at myself. Talagang tinanggap ko na lang dahil wala naman akong maisagot. Baka nga minumura na ako nito.
"Tss." Padabog s'yang naglakad at nilagpasan ako, walang lingon, walang tigil, diretso s'ya sa paglalakad para puntahan si Envo.
Wala na rin akong nagawa at sumunod na lang sa kanila.
"Oh, ba't galit 'yan?" Tanong ni Envo habang sinasalubong ako.
"I don't know." Nagkibit ako habang pareho kaming nakatingin kay Koji na mataray na naghihintay sa amin sa lilim.
Walang emosyon ang ekspresyon ko. Nakakunot lang ang noo dahil sa init pero parang naiirita yata s'ya sa mukha ko kahit wala naman akong ginagawa. Panay ang irap n'ya.
"Ji? Galit ka ba?" Envo asked.
"Hindi!"
Nagkatinginan kami ni Envo. I just gave him an 'I told you' look. Hindi raw pero obviously, oo.
Huminga ng malalim ang pinsan ko, halatang hinahabaan lang ang pasensya. Humakbang s'ya papalapit kay Koji at sumandal sa puno ng mangga na nasa likod ni Koji.
"Ji, kailangan mo makipagusap sa amin para maayos natin agad." He said in a very calm way.
I nodded, "Envo's right, you need to communicate with us, with me. Kung paiiralin mo 'yang galit mo hindi namin malalaman kung papaano ka pakakalmahin." I crossed my arms and lift my brows while smiling a bit.
Pero ayaw kong lumapit, kilala ko s'ya. Pag lumapit ako, aalis 'yan.
"Tama si Kenji, hindi n'ya alam kung bakit ka galit kaya papaano ka n'ya susuyuin?" Pagsangayon ni Envo sa akin habang umaakyat na sa puno ng mangga.
Koji rolled his eyes, "Hindi n'ya alam? E, ginawa n'ya palang kanina! Pinairal n'ya 'yang takot n'ya!" He pointed at my face because he walked out.
Nilagpasan n'ya ako. Hindi pa nga ako lumalapit umalis na s'ya. Hindi na rin ako nakagalaw dahil sa sinabi n'ya, nilingon ko na lang s'ya at pinanood na maglakad sa initan.
"Takot? Takot ako?" I asked myself, brushing my hair backwards and bit my lower lip.
Takot saan? Na sabihin sa kanila?
Kung ako lang ang tatanungin at kung ako lang ang may dedesisyon, ipagsisigawan ko sa buong mundo na ako ang boyfriend n'ya. Kung...napagusapan lang namin, mas handa sana ako, mas handa sana kami.
I think this is really my fault. We haven't talked about our relationship, communication has been lacking from the start and I have the audacity to tell him that he needs to communicate with me?
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 31
Start from the beginning
