Ngumiwi si Koji at tumango, "Unrealistic pero sumigaw ka? Ibig sabihin maganda 'yung make up." Pinanliitan n'ya pa ako ng mata.

Nagkasalubong ang mga kilay ko at napasulyap kay Math na natatawa na rin sa'min, saka ibinalik ang paningin kay Koji.

"Oh, tapos? Anong pinaglalaban mo?" Mataray na tanong ko habang marahang tinutulak ang balikat n'ya.

Maldita s'yang nagkibit, "Kulangot mo."

Nanliit ang mga mata kong tumingin sa kaniya at hindi na sumagot. Nang lingunin ko si Math ay nagkukunwari pa s'yang may tinitignan sa paligid at hindi nakikinig sa'min. Kunwari pa, alam ko namang tsismoso s'ya

Habang naglalakad ay may pangilan-ilang nang tumakot sa'min, nagulat lang ako pero hindi na sumigaw. Hindi naman na kasi nakakatakot. I mean...depende.

Si Math and todo silip sa kung saan-saan kaya nahihiwalay s'ya sa amin ni Koji, hanggang sa tumabi na ang babae sa'kin. Pumagitna na s'ya sa'min ni Math.

Naiintindihan ko naman na nakakatakot rito sa loob. Huwag lang s'yang dumikit sa'kin at baka wala na akong uwian na condo. Baka pag-uwi ko nasa labas na fish tank ko.

Nang makarating sa dulo ay tumambad naman sa amin ang dalawang likuan. Depende na lang talaga sa desisyon ng bawat isa kung saan liliko. Pero s'yempre, ayaw naman naming maghiwa-hiwalay kaya sama-sama kaming lumiko sa kanan. Pati na rin ang babaeng panay pa rin ang dikit sa amin ni Math.

We walked slowly into the shadowed path. There, I wasn't afraid of whatever might greet us, I was more afraid of Koji's hand, now resting on my side.

Lagot na. Kurot nanaman ang aabutin ko nito. Hindi naman ako dumidikit sa babae, e! Alangan naman kaladkarin ko s'ya palabas?

Nang makarating kami sa parte na may iwal na, nakita naming may mga nakadamit zombie sa loob. Dahan-dahan namin silang sinalubong, hindi naman sila nananakot, nanghahawak at nanikipag-titigan lang.

Matatakot ba ako? Malamang oo.

Kapit na kapit ako kay Koji at gano'n din s'ya. Kapit na kapit sa tagiliran ko ang kurot n'ya. Nawala na yata 'yung hilo at sakit ng tiyan ko, e. Napalitan ng kaba.

Bawat zombie na lumalapit sa amin ay hinihila ko ang wig, o 'di kaya ay ipinupunas ko pabalik sa kanila ang likidong nang-gagaling sa kanilang kamay.

Natatawa na lang si Math habang ang mga nakadamit zombie ay napapakurap nalang sa ginagawa ko. May iilan pang ibinabalik ang wig nila at idinu-duro ako.

Ang galing din ng concept nila, ah. Lilingon kapag may narinig na maingay at tatakbo sila papalapit sa'yo. Ganap na ganap.

"Ahh! Oh my Gosh!"

Suddenly, the woman with us screamed. Even when we turned to look, we couldn't see her in the darkness. Then, I felt something heavy step on my foot, something that felt like more than just one person.

Kumapit ako kay Koji at baka bigla s'yang tumakbo. Thankfully, hindi n'ya naman ako iniwan at parang nag-aalala pa sa'kin.

"Ate? 'Yung paa ko," walang emosyon kong sabi habang hinihila ang paa. Kinapa naman ni Koji ang binti ko at balak pa yata anong tulungan na hilahin iyon.

"At saka 'yung braso ko rin, yakap mo na." Si Math na sinisipat ko rin sa dilim.

"Ay—" munting sagot ng babae at saka palang tinanggal ang paa n'ya sa paa ko.

"Sorry po! It's scary kasi! May humawak kasi sa likod ko." Dagdag pa nito.

Math didn't answer as we started walking again. All I heard was a heavy sigh. I couldn't tell if it was Math or Koji. All I knew was that it sounded angry.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now