Sabay kaming lumapit ni Koji at hinawi ang puting kurtina. May pinto nga doon at mukhang iyon pa lang ang totoong entrance. Paano ko nasabi? Ewan. Nagsitayuan lang naman ang balahibo ko.

Naks. Ano 'to challenge?

"Ano gagawin d'yan?" Tanong ko kahit obvious naman kung anong gagawin doon. Malamang papasok kami ro'n.

As expected, lumingon si Koji sa akin. Mayabang ang tingin n'ya na para bang may pinapatunayan. Ano nanaman kayang pakay nito?

"Buksan ko na ba?" Math asked.

Isang beses akong tumango. "No choice. Nakapasok na tayo, e."

"'Di ka naman pinilit na pumasok," rinig ko pang bulong ni Koji na hinayaan ko na lang.

Gusto ko pa sanang kurutin ang braso n'ya kaso nakatitig ang babae sa amin. Nakakahiya naman, baka ma-inggit.

Dahan-dahan nang binuksan ni Math and pinto na agad naming sinilip. Pareho lang ang bungad, red lights, another room. Ang pinagkaiba lang ay may mga designs na kagaya ng webs at fake skulls.

Naglakad na si Math papasok na sinundan na rin namin. Nasa likod ako ni Koji, nagpapanggap na takot para makahawak sa balikat n'ya. Hinahawi n'ya rin naman at tumitingin sa babaeng kasama namin sa loob.

Panira naman. Bakit pa kasi pumasok s'ya?

Habang naglalakad na kami ay biglang sumarado ng kusa ang pinto na pinasukan namin. Sabay-sabay kaming nagulat at halos mapamura pa ako. Pinigilan ko lang din at baka mahalatang nanginginig na ako sa takot. Bak asarin pa ako ni Koji mamaya.

Diretso lang kami sa pag-lalakad. May mga pekeng kabaong pa, halatang pinaghandaan. Aaminin ko na...natatakot na rin ako. Sabayan pa ng creepy background music na mukhang galing pa sa YouTube.

Bawat kaluskos na naririnig namin ay sumusisiksik ako kay Koji na sinisiko naman ako. Napapansin ko rin na dumidikit sa amin ang babae kaya talagang sinasadya kong lumapit kay Koji.

Mag-iisang minuto na kami sa loob at wala pa ring nangyayari. Baka naubusan na sila ng artist kaya walang multo rito?

Sa kakaiwas ni Koji sa akin ay nauna na s'yang naglakad kay Math. Ang bilis din ng lakad n'ya at ayaw talagang dumikit sa akin.

"Tigil na natin 'to, ang boring naman!" Tumigil ako sa paglalakad at marahang nagdabog, dahilan para mapalingon si Math. Umismid s'ya.

"Ang OA mo! Wala pa nga, e. Walang lalabas! Malay mo nandito si Drei at kasama n'ya si Red." Saway n'ya sa akin, umirap pa s'ya bago naglakad ulit.

Sasagot pa sana ako nang biglang may yumakap sa akin galing sa ding-ding. My eyes widened when I turned my head.

"Tang ina mo!" Sigaw ko at mabilis na humiwalay sa bampirang yumakap sa'kin.

Rinig kong natawa pa si Math habang nakatingin kay Koji. Aba? Pinagtatawanan pa ako ng mga 'to?

"Ano ba!? Yakap nang yakap—sino ka ba?" Nagpagpag ako ng damit at dahan-dahan naglakad papalayo sa taong naka damit bampira.

Napansin kong umatras na lang s'ya at nang mapansing natatakot ang babaeng kasama namin sa loob, nakipag-high-five na lang s'ya rito. Ayos din.

Duguan ang mukha n'ya kaya napasigaw ako, okay? Hindi ako takot!

Nang makalapit kay Koji ay ngumiti ako ng alanganin sa kaniya. Nakatingala s'ya sa akin at halatang pinipigilang lang na matawa. Nahiya pa talaga, e.

"Ang lakas naman ng sigaw mo." Panunutya nito.

Sabi ko na, e!

"It's just....weird." giit ko habang sinusuklay ang buhok,  "Ang papangit ng make up nila. Unrealistic. I'll rate it a ten...out of one thousand."

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now