Chapter 47: Who's the Enemy?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Good morning Lilian, Sagi." masiglang bati sa kanila ni Marianne nang makasabay nila ito sa paglalakad sa hallway.

"Good morning din sayo, Marianne." nakangiting bati ni Lilian dito ng nakangiti. Napasimangot naman sa kanyang loob-loob si Sagi dahil kanina nang sya an kausap nito ay di man lang sya tinapunan ng tingin at ngayon kay Marianne ay ngumiti pa ito. Unfair.

"Good morning din Marianne." Halos walang buhay na tugon ni Sagi.

"Masama ba ang pakiramdam mo ngayon, Sagi? Bakit parang ang tamlay mo ata?" Tanong ni Marianne at sinipat pa ang noo at leeg ni Sagi. "Hmm hindi ka naman sinisinat o nilalagnat."

"Hehe okay lang ako pasensya na kung ganoon ang pagbati sayo. May isang tao lang kasi na medyo ginugulo ang isip ko ngayon eh." Paliwanag ni Sagi na halatang pinapasaringan si Lilian ngunit tila hindi naman nito pansin ang mga huli nyang sinabi.

"Eehh? Sino naman ang taong iyon? Aba, Sagi, ikaw ah~ in love ka~"  pang-aasar ni Marianne habang tinutusok tusok ag tagiliran ni Sagi.

"Kapag may nagpapagulo ng isip, in-love agad? Di ba pwedeng nagpapainis?" Sarakstikong tugon ni Sagi na tinawanan naman ni Marianne. Natigil sila sa pag-aasaran at kulitan ng dumating si Ansha at inaya si Lilian sa rooftop n kanilang eskwelahan dahil may gusto daw itong sabihin sa kanya. Bago maghiwalay ng daan ay kinuha ni Sagi ang bag ni Lilian para sya na lamang ang magdala nito sa kanilang classroom. Nagmagandang loon na rin si Marianne na dalhin ang bag ni Ansha.

Sa rooftop...

"Kamusta naman ang pagsunod mo kina Sagi at. Ms. Hendricson kahapon, Angelica?" Pagsisimula ni Lilian pagkarating na pagkarating nila sa rooftop.

"Napansin ko na ang aura ng kalaban na nararamdaman natin kay Ms. Hendricson ay humina. Mukhang talagang pinaglalaruan tayo. Pinagmasdan ko ng maigi ang mga kilos niya at ang mga lugar na pinuntahan nila ni Sagi ngunit wala naman akong napansin na kakaiba sa kanya. Normal na normal lang sya kung kumilos at makitungo kay Sagi. Gayunpaman ay di ako nagpapakampante sa kanya."

"Hmmm hindi ko talaga maunawaan kung ano ba ang gusto nilang mangyari. Nag-aalala ako na maaring ginugulo nila tayo sa kakaisip ng maari nilang gawin na ikapapahamak ng lahat para mailayo tayo sa kung ano ba talaga ang dapat na pinagtutuunan natin ng pansin sa mga oras na ito."

"Hindi natin maiaalis ang gayang posibilidad. Maaring dahil sa nababahala sila sa mabilis na pagkatuto ni Sagi sa pagkontrol ng kanyang kapangyarihan kaya inuudlot ng mga kalaban ang inyong training gaya na lamang kagabi na inaya ni Ms. Hendricson si Sagi kaya hindi kayo natuloy sa inyong training. Isa pala na ipinagtataka ko ay kung bakit hindi nararamdaman ni Sagi ang presensya ng mga kalaban." wika ni Ansha habang nakatingin kay Lilian na tila napapaisip ng maigi sa kanyang mga sinabi.

"Palihim kong ginamitan si Sagi kagabi ng purification para alamin kung ginamitan ba sya ng incantation ng mga kalaban ngunit wala naman akong nakita sa kanyang katawan. At kung ginamitan man sya ng incantation ay dapat na naramdaman natin iyon kaagad. Tsk! Ano kayang klase ng incantation o panlilinlang ang ginagawa nila?"

"Nasabi mo na ba kay Sagi ang tungkol dito?"

"Hindi pa. Tingin ko mas magkakagulo kapag nalaman nya at maaring kapag nangyari yun ay kumilos na ang mga kalaban. Mahirap na at baka mapahamak pa ang mga tao dito at malantad ang tungkol kay Sagi."

        Naputol ang masinsinang pag-uusap ng dalawa nang tumunog na ang unang bell. Hudyat na ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase. Pagkarating nila sa kanilan silid ay naabutan nila sina Giulia at Rigel na nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan. Samantalang si Spica naman ay tahimik lamang na nagbabasa ng libro sa kanyang upuan. Normal ang kanilang mga ikinikilos. Walang makapag-iisip na ano mang oras ay maaring gumawa ang mga ito ng ikapapahamak ng lahat ng nasa Academy.

Lady of the Blue Moon LakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon