"Oo! Ako nga!" Itinaas ni Math ang kilay n'ya at taas noong tumingin sa akin. "Pero hindi kayo marunong mag-ingat! Paano kung may ibang nagising kagabi, ha? Tapos nakita kayo?"
Sumeryoso ang mukha ko sa narinig. Napatingin ako sa laptop habang napapalunok. Ba't kasi kailangan itago?
"Oh, ano? Sa tingin mo madali mag explain kapag ganitong usapan? Magugulat silang lahat, Kenji." Dagdag pa ni Math kaya mas nanlumo ako.
I understand if we need to hide it at first. Masakit lang siguro sa akin ng kaunti kasi mismong mga kaibigan namin, hindi ko mapagsabihan.
What's wrong with us?
I crouched a bit. "Ayos lang naman sa akin kung malaman nila, e. Kung lumayo man sila sa akin, Math, wala na akong pakialam. Basta huwag lang silang magsalita ng masama kay Koji."
Natahimik si Math, hindi sumagot pero rinig ko ang buntong-hininga n'ya.
"Ano ba kasing..." I pouted and looked at him with wealing eyes. "Ano ba kasing mali sa'min, Math?"
Bumuga s'ya ng hangin at bumaling sa pool area. Nanliit pa ang mga mata n'ya habang itinatagilid ang ulo, nagiisip ng isasagot.
"Wala naman," nagkibit s'ya. "Mata nila ang may mali, Kenji."
Para akong nabunutan ng tinik, dumagdag sa lakas ng loob ko ang iilang salita ni Math. S'ya lang talaga ang makakausap ko sa ganitong bagay, e. He knows everything.
"Tama 'yan!" Tinapik n'ya ako sa balikat kaya ngumiti ako sa kaniya, kahit pilit.
"Dapat hindi ka takot kung malalaman man ng iba. Pinili mo 'yan kaya panindigan mo, minahal mo 'yan kaya protektahan mo. Wala, e. Ganito na talaga ang mundo." He smiled at me simply as he reach for his cup again.
Tumango ako at hindi namamalayang umangat ang dulo ng labi. Napatingin na rin ako sa pool area habang humihigop ng kape si Math.
"Math! Kenji!"
I squint my eyes and try to guess who shouted our name while waving at the pool. Fuck this eyesight! Kasing labo ng kapalaran ko.
"Come on!" Oh damn, it's Drei. He's running towards us.
Namilog ang mga mata ko nang magsitakbuhan sila Drei, Taslan at Wesley papunta sa direksyon namin. Mga walang suot na damit at tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nila.
Math and I, hurriedly stood up, as we had already read what the three were about to do, knowing for sure that they would pull us into the pool.
Ako ang pinuntirya nila Drei at Taslan, samantalang si Wesley ay pakamot-kamot na bumalik sa pool dahil pinagalitan s'ya ni Math.
"Gago! May ini-edit ako, oh!" Giit ko habang inilalayo ang laptop ko sakanila.
"Mamaya na 'yan!"
Instead of stopping, they approached me slowly like hungry dogs, inching closer. And there I was, stepping back near the plants, laughing nervously even though the truth was, I was starting to feel scared of these two.
"Tang ina n'yong dalawa, pag lumapit kayo huwag na kayong sasakay sa kotse ko." Pananakot ko pero nag kibit lang ang dalawa.
"I have seven big bike, dude." Namewang si Drei at parang asong ipinitik ang ulo. Tang ina. Nakalimutan ko 'yon, ah.
Humagalpak pa si Taslan at mabilis na inagaw sa akin ang laptop kaya mas nataranta ako. Mga hayop na 'to, bully talaga!
"Gago may kailangan akong i-edit!" Sinubukan kong agawin iyon pero umatras s'ya at doon ay nahuli ni Drei ang kamay ko.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 24
Start from the beginning
