"Shut up! Palibhasa wala nang tatanggap na ibang club sa'yo!" Drei fired back while checking his keyboard. Humalakhak ulit si Taslan na inaayos naman ang drum set n'ya.

"Anong wala! Ulol!" Red raised his middle finger while putting his guitar on his guitar bag. "Hindi n'yo alam kung ilang club ang naghabol sa'kin noong freshmen ako 'no! Lalo na nang malaman nilang I'm one of Amors!"

Napasinghap ako sa yabang n'ya. Oo, sikat sila. Sikat ang pamilya nila dahil sa business, pero kinakahiya n'ya 'yon. Pero ngayon iba na, he's bragging.

"Hinabol ka nga para naman sa pangalan mo, hindi para sa talent mo." Piningot ni Sir ang tainga ni Red dahilan para mapadaing ito. "Kaya tumahimik ka na r'yan at magligpit ka na, ha!"

Patapon s'yang binitawan ni Sir dahilan para matawa kami.

"Heto na nga! Magaayos na!" Marahas na hinawakan ni Red ang tainga habang pabalik-balik ang tingin kay Sir at sa gitara n'ya.

Tumango-tango si Sir Anton at saka kinuha ang cellphone sa bulsa, lumabas s'ya at mukhang may kausap sa telepono.

"Mga kuys, aalis na rin ako, ah. Babalik na lang ako mamaya, after lunch!" Paalam ni Wesley. Napatingin kami sa kaniya habang si Taslan at nagmamadaling bumaba sa mini stage at hinablot ang bag n'ya na nasa tabi ko.

"Ako rin, kakain lang ako. See you later!" Kumaway si Taslan sa amin na tinanguan ko na lang.

Balak pa sana s'yang pigilan ni Red pero mabilis itong naglakad paalis, hila hila si Wesley.

"Mga hayop na 'yon, ah. Hindi nag-aya?" Sinundan n'ya pa ng tingin ang dalawa, at gano'n din ako. Hindi man lang kami inaya? Silang dalawa lang?

Napailing na lang ako at hinablot ang gitara saka tumayo. Nagkaayaan kaming apat na kumain kaya dali-dali umalis para pumunta sa cafeteria. Hindi na rin sumama si Sir sa amin dahil s'yempre, may trabaho s'ya.

Ibinilin n'ya na lang saamin si Koji na kasama raw ni Poly ngayon sa cafeteria. Hayop na 'yon, nauna nanaman.

Sumangayon naman kami. Kahit hindi n'ya naman sabihin, we'll gonna check for him.

Habang naglalakad papunta ro'n ay hindi ko mapigilan na hindi isipin ang biro ni Red. Maayos na rin naman sila ni Drei, pero ako itong naiinis pa rin. Siguro napikon ako kasi... Totoo?

Totoo naman, e. Lalaki ang nililigawan ko. Ang nakakapikon lang ay hindi ko kayang sabihin sa kanila. Gustong gusto ko sana na malaman nila, para alam nila ang limitations sa jokes, lalo na si Red.

Gusto ko. Pero paano kung si Koji ang may ayaw?

Iniisip ko rin na... paano kapag nalaman ni Red na nanliligaw ako kay Koji? Pagtatawanan n'ya kaya kami? Si Koji?

Joke ba kami para sa kaniya?

"Hoy! Tahimik mo, ah!"

Sumipa ako ng tingin kay Math nang umakbay s'ya sa akin. Napansin yata na tulala ako.

I shrugged and pursed my lip. "May... May iniisip lang."

Tumingin na lang ako kila Red at Drei na nagtatakbuhan sa unahan namin, marami silang binabati, naghahampasan pa ng likod ang mga gago. Magagaslaw.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko na agad naman napansin ni Math, hindi n'ya na iyon pinuna at tinapik na lang ang balikat ko.

"Red's joke, right?"

Napayuko ako at ngumiti ng mapait. Nakakatawa lang na alam n'ya na agad kung anong iniisip ko kahit na hindi ko pa sinasabi. Observant nga talaga, naniniwala na 'ko.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now