"Yes, Sir?" Pantay na umangat ang kilay ni Drei at kinagat ang ibabang labi.

Namulsa si Sir Anton. "I think you should focus more in our club. Huwag sa babae."

Mariin ang pagkakasabi ni Sir dahilan para natahimik kami. Tinignan ko pa ng masama si Red dahil s'ya itong madaldal at sinabing babae ang inaatupag ni Drei.

"Y-Yes po." Magalang na sagot n'ya kahit halatang nagulat s'ya sa narinig.

Sinubukan kong tiisin ang gustong sabihin, pero hindi ko kayang manahimik lang.

"Sir!" Singit ko kaya nailipat sa akin ang atensyon nila. "Hindi naman po siguro babae lang ang inaatupag ni Drei, he's writing a script that's why."

Tumango si Sir pero mas nangibabaw ang pag ismid ni Red na agad kong nilingon. Nakakasira lang ng araw, hindi man lang nila pinakinggan 'yung paliwanag ng tao?

"Anong hindi babae? Edi ano?"

Itinagilid ko ang ulo at hinihintay ang sasabihin ni Red na sinisilip pa ako mula sa kabilang sulok ng stage.

"Baka lalaki?" Red laugh echoed in the whole studio.

I paused for a moment, trying to convince myself that it was just a joke and we were used to his jokes. But as I glanced at Drei, he appeared uneasy. When it comes to LGBTQ-related topics, Drei is the most challenging to explain to, so he might be confused by the joke.

"Shut up, Red! Alam mo naman kung anong ginagawa ni Drei ro'n, ah? He's writing a script, dude." I said emphatically. Pero kahit gaano ako ka-seryoso ay pinagtawanan n'ya pa rin ako na nagpakulo talaga ng dugo ko.

"Pinagtatanggol mo pa 'to? Kilala natin 'to, Kenji!" Umakbay si Red kay Drei na pangiti-ngiti lang. "Girls is his priority!"

His way of talking makes me shut my eyes for awhile, just to calm my self. Ayaw ko rin naman ng sumagot lalo na't ayaw ko s'yang kaaway. Bukod sa pikunin ako ay brutal din ako kapag nanakit. Kaya ayaw ko.

"Palibhasa ikaw 'tong busy talaga sa babae, 'di ba? Kamusta naman kayo ng nililigawan mo?" He added. Nakipagtawanan pa s'ya kay Taslan.

"Oh, baka lalaki rin, ah?" Pagpapatuloy n'ya. May pahampas pa sa hita habang tumatawa.

Fuck, what the hell?

Kumunot ang noo ko at hindi na sumagot. Naramdaman ko pa ang pagtapik ni Wesley sa balikat ko na nginitian ko lang kahit napupuno na ako kay Red. Naitikom ko ang aking bibig habang napapatingin pa kay Math na masama rin ang tingin kay Red.

Hindi na lang ako kumibo kahit gustong gusto kong sagutin si Red. Sanay na kami sa ganoong usapan, pero kasi si Drei. Pansin kong pagod s'ya, nakakaawa lang.

Habang nasa practice ay pansin kong hindi umiimik si Drei kahit na nagtatawanan kami sa tuwing may namamali. Kahit si Wesley ay tinuturo rin s'ya sa akin, napapansin n'ya rin daw. Hindi naman s'ya ganito pero hindi na kami nagtanong.

Idinaan na lang namin iyon sa kibit balikat dahil bumalik na rin naman sa huwisyo si Drei nang mapag-usapan ang partner n'ya gumawa ng script.

"Ano bang pangalan no'n at inakala mong lalaki 'yon? Maria?" Bulaslas ni Red na sinabayan pa ng tawa ni Taslan.

"Ano naman pakialam mo? Ba't gusto mong malaman?" Masama ang tingin ni Math sa kaniya habang nakasandal sa pader.

"Wala! Oh, bakit?"

Math rolled his eyes before we look at each other as we shook our head. Kakaiba rin 'tong si Red, malala na.

"Theater ka pa kasi, e. Dagdag lang 'yan sa problema!" Red added. Papaupo na sana s'ya tabi ko pero itinulak ko s'ya paalis, maingay eh.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum