Ngumuso s'ya at sinunod ang sinabi ko. Niyakap n'ya ang plushie at tumingin ng diretso sa camera.

"One... two... three.." pinindot ko ang instax dahilan para mag flash iyon.

Nakangiti kong hinintay na lumabas ang film, sumubo pa ako ng pagkain habang pasulyap-sulyap kay Koji. Nakaabang din s'ya habang yakap parin ang plushie.

Mas cute pa s'ya sa plushie n'ya, e.

Nang lumabas ang film ay nag unahan pa kaming kunin iyon. Pero s'yempre ako ang nauna. Inangat ko kasi 'yung instax, e. Abot n'ya ba 'yon? Hindi.

Pangiti-ngiti kong ipinaypay ang film. Mayabang pa akong ngumiti sakaniya para asarin s'ya. Pero himalang hinayaan n'ya lang ako, hindi umirap o ano pa man. The world is healing. Bumabait na s'ya.

When the picture appeared on the film, I furrowed my brow after seeing it. He was just looking straight at the camera, really. This little guy didn't even smile.

"Patingin." Koji peeked at what I was holding and tried to reach for it. Instead of competing for it again, I placed the polaroid on the table and pushed it towards him.

"Ngumiti ka naman, wala ka pa bang almusal?" Biro ko at kinagat ang ibabang labi.

Tinignan n'ya iyon ng mabuti habang sumisipa pa ng tingin sa akin.

"Wala pa naman talaga." He mumbled.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa pagkain at sakaniya. Tang ina, hindi pa s'ya kumakain? Inubos ko pa naman 'yung ulam.

"What?" Bulong ko kahit na narinig ko naman ng malinaw ang sinabi n'ya. "Hindi ka pa kumakain?"

Umiling-iling si Koji at kinuha ang polaroid sa mesa at iniangat iyon sa ere. "Hindi pa, kakagising ko lang din kanina, e. Ginising ako ni Red kasi magtitiktok daw."

Hindi man lang nila inaya kumain bago mag tiktok? Ginawa pang referee ng dalawa. Mga gago talaga.

Ngumiti ako ng alanganin. "Pero... inubos ko na 'yung ulam.."

Naibaba n'ya ang kamay sa hita at tumingin ng matagal sa pagkain ko. Ngumuso pa s'ya at itinagilid ang ulo. Tang ina ba't naaawa ako? Ba't ko ba kasi inubos?

I squinted heavily as if my conscience had pricked me. When I opened my eyes, I bit my lower lip and looked at the food. Koji was also just staring at my food, maybe thinking about what he would eat.

Humangos ako at iniangat ulit ang instax.

"Okay!" Sigaw ko na ikinagulat n'ya. "Isang shot na lang, then ipagluluto kita after."

Ngumiti ako sakaniya at tumango ng isang beses para makumbinsi ko s'ya. Napaisip s'ya at napakamot sa noo.

"Sige na, Koji!" Pamimilit ko habang itinututok ulit sakaniya ang camera. Wala na s'yang nagawa at tumango na lang din, umayos s'ya ng upo at nahihiya pang tumingin sa akin.

"One- smile!"

"Ayaw ko!" He whined like a kid and placed his palm in front of the camera, covering it as if he was shy.

I chuckled as I turned the camera away and tried to take his picture from a different angle, but he covered his face instead.

"Ano ba!" Bulyaw n'ya kaya tumigil ako.

But that was just a moment. I mischievously smiled at him again and playfully raised the Instax. He looked at me disappointedly, eyes narrowed and lips pursed.

"Isa na lang promise, sige na." I chuckled.

He had no choice. Mukhang umandar naman ang pamimilit ko at nadaan ko pa sa puppy eyes. At least, I was able to persuade him. He rolled his eyes while posing. Just like what he did in the first, he still wasn't smiling, just hugging his plushie and staring at the camera. Sayang kung man lang makikita ang cute n'yang dimples, all I see are his doe eyes, the edges of which are flushed red.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora