"Kanina pa sila gan'yan?" Tanong ko habang inuusog ng kaunti ang likod sa pader, para mas lumapit ako sakaniya.
"Oo." Tumango s'ya at ipinako ang paningin sa fishtank. "Nahihirapan kasi si Drei na kabisaduhin 'yung sayaw."
"Ahh.." Tumango rin ako at bumaling kila Red na ayaw talaga magpaawat. Nagsasabunutan nanaman ang mga gago.
Well, mas ayos na 'yon kaysa magsuntukan sila. Right?
"Hindi mo ba sila aawatin? Kanina pa sila nagsasabunutan, oh." Itinuro ni Koji ang dalawa na parang nagaalala pa. Natatawa akong umiling.
"Hindi." Sumandal ulit ako sa pader at tumitig kay Koji. "Hindi ka pa ba sanay? Hindi naman mamamatay 'yang mga 'yan."
Napalingon s'ya agad, galit ang tingin kaya bahagya akong napaatras. Ano nanaman bang sinabi kong mali?
Umirap s'ya at tumingin na lang sa fish tank. Buti na lang hindi na s'ya sumagot. Ang ganda n'ya pa naman ngayon tapos susungitan n'ya ako?
Naglakad na lang ako papunta sa mini kitchen, itinulak ko ang dalawa dahil nakaharang sila sa daan. Napapikit pa ako nang kumalansing 'yung mga sandok sa pader dahil natatamaan nila.
"Kumain na kayo?" Tanong ko at saka umupo sa bar stool.
Bumitaw si Red kay Drei sa Isa't isa at tumingin sa akin, hindi maipinta ang mukha.
"Oo kanina pa. May ulam d'yan." Red answered while fixing his hair. "Sakit, tang ina."
Kaninong katangahan? Nagsabunutan ba naman, e.
"Anong ulam?" Hinawakan ko ang takip at pantay ang pagtaas ng kilay, naghihintay sa sagot ni Red.
Umismid si Red. "Isda."
Hindi ko alam kung anong demonyo ang sumanib sa akin at natawa ako. Inside joke ko na yata 'to.
Nanunuya akong tumingin kay Koji na mabilis na tumayo at tinignan ng mabuti ang fishtank. Nagpapanic.
"Hoy! Walang bawas 'yan!" Red snorted and shook his head in disbelief.
Humagalpak ako habang inaalis ang takip ng ulam. Lumapit pa si Red kay Koji para kunin ang cellphone n'ya na nakapatong malapit doon.
"Wala kaming niluto d'yan! Huwag kang praning." Asar na kinatok ni Red ang salamin habang napapakamot pa sa ulo.
"Sigurado ka?" Malditang sabi ni Koji, nakatingala kay Red at magkasalubong ang kilay.
"Kung maka bintang ka naman, lods. Wala nga!" Yamot na umupo si Red sa tabi ni Koji.
"Baka kasi prituhin n'yo!"
"Wow?"
Sila naman ang nagtatalo ngayon. Natatawa na lang ako habang nagsasandok ng kanin. I saw Drei trying to hold his laughter. Baka sa kaniya pa bumaling si Red at sisihin s'ya kung bakit s'ya sinusungitan ni kamahalan.
"Kung may niluto kami edi sana nilahat na namin, bintangero." Nakangusong giit ni Red na inirapan naman ni Koji.
"Naninigurado lang, alam mo na baka gipit kayo.." mapangasar na iniangat ni Koji ang kilay dahilan para magkatinginan kami ni Drei.
Hindi rin talaga magpapatalo 'tong isa.
Red scoffed and looked me while pointing Koji. "Tignan mo 'to, Kenji. Gipit daw ako?"
Nagkunwari akong nalungkot sa sinabi n'ya at humawak pa sa noo ko habang ngumunguya ng pagkain. Para kasing nagsusumbong si Red, e. Kawawa naman kung hindi kakampihan.
Kunwaring ngumiti si Red kay Koji na pinaliliit pa ang mata. And as I was expecting, ginaya rin s'ya ni Koji pero sa cute pamamaraan. Magaling s'ya d'yan, e.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 22
Start from the beginning
