Umirap ako at bumaling kay Koji na ngayon ay naglalakad papunta kila Poly. Kumuha s'ya ng isang unan at umupo sa sahig, sa gitna ng kambal.
"Hoy, Kenji!"
Mabilis akong napalingon nang may maramdamang malamig na bagay sa may batok ko. Napatingala ako at halos umismid ako nang makita ang nanunuyang mukha ni Math.
"Tulala? Hindi ka lang nakapag-edit, ah?" Pangaasar n'ya pa na ginatungan ng tawa ng dalawa.
"Huwag mo 'ko simulan, Math." I rolled my eyes and grab the beer from his hands.
"Tutulungan ka namin mag edit mamaya! Promise!" Math giggled.
"Yeah! I won't sleep!" Drei raised his hands on the side of head like he's making a promise. "I'll help! I can help!"
Wow. Palong-palo.
"Ako rin! Walang tulugan 'to." Si Red na may patango-tango pa.
Ngumiwi lang ako at tumungga ng beer. Hindi ako naniniwala sa mga ganito lalo na't galing sa kanila. Mga sinungaling. Wala raw tulugan? Tignan natin.
When the projector was set up, each of them grabbed a beer and raced to sit in front, running here and there, sitting here and there. They were racing on the floor. While me? I just stayed in bed. I just moved a little to have a better view. Wesley then jumped and sat beside me on the bed, looking excited to watch with us. Math was in front of me, sitting on the floor with a pillow in his lap and his laptop beside him. Next to him was Red chatting with Drei, Poly was beside Drei on the other side, and in front of him was the twins. Koji and Taslan were in front of the white screen, eating cookies from a jar. Kole and Envo, on the other hand, were still standing, unsure where to sit, until they saw me and hurriedly approached. They sat behind me and whispered to each other.
"Ano papanuorin? Horror ba? Porn?" Si Red na parang hindi mapakali at pangiti-ngiting tinignan si Math.
"Bunganga mo!" Binatukan ko s'ya gamit ang paa ko pero parang hindi n'ya man lang iyon ininda.
"Manahimik ka nga muna, Red! Maghintay ka na lang!" Singhal sa kaniya ni Math habang namimili ng movie, ayaw s'yang tignan.
"Okay, Ma. Sabi mo, e." Napailing na lang si Red at inagaw kay Math ang unan.
Natahimik na ang lahat pagkatapos no'n, natatakot sigurong mapagalitan ni Math. Tanging pag nguya lang nila Koji at Taslan ang naririnig namin.
Napaismid ako, hindi dahil sa selos. Hindi ko kasi s'ya katabi. Pwede naman s'yang kumain ng cookies sa tabi ko, e.
"Ayan na!"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Red sa gulat. Bigla ba namang sumigaw si tanga at nagulat pa ang mga nasa tabi n'ya.
"Ang ingay mo! Papansin!" Umirap si Elona sa kaniya kaya natawa ako. Si Erees naman ay tinignan s'ya ng masama.
"Oh tapos? Oh tapos?" Red mockingly moved his head left and right. S'yempre hindi naman nagpaawat si Erees, tinaasan n'ya ng kilay si Red at itinataas pa ang dulo ng labi.
Rinig ko pa ang pag hagikhik ni Envo sa likod. Iba rin, tuwang-tuwa kapag napapagalitan si Red.
"Kaya nga! Epal!" Kole shouted and hide immediately on my back.
"Papansin talaga 'yan! May nota nasa leeg!" Envo shouted making my eyes shut. He's referring to Red's tattoo, a note on his neck.
Galit na lumingon si Red sa amin at kinagat ang labi. Sinilip-silip n'ya ang dalawa na nagtatago sa likod namin ni Wesley.
"Tabi d'yan Wesley! Babatuhin ko 'yan!" Hinatak ni Red ang paa ni Wesley pero hinatak din ni Envo ang braso n'ya. Natawa na lang kami ni Kole
"Edi batuhin mo kung kaya mo." Envo provoked him while pulling Wesley's arms, hiding on Wesley's back.
VOCÊ ESTÁ LENDO
Go Through The Spark (Red String Series #1)
DiversosA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 23
Começar do início
