Sasagot pa sana si Envo nang magsilapitan na sila Koji sa amin at umupo na rin sa sahig.

"Let's eat!" Sigaw ni Drei habang iniaabot sa lahat ang mga paper plate. Pumalakpak ang lahat at parang mga batang tuwang-tuwa dahil sa pagkain.

Nakangiti kong itinabi ang laptop at ang unan na nasa hita ko. Magsasandok na sana ako ng carbonara ng tapikin ni Math ang kamay mo.

Dismayado akong tumingala sa kaniya at kumurap. "Why?"

"Mauuna ka? Magdadasal pa tayo." Tinaasan n'ya ako ng kilay kaya bumalik na lang ako sa pwesto ko.

"May lakad ka ba? Excited mo naman masyado, Kenji." Tumawa pa si Red at hinila ako sa braso.

Hanep. Lagi na lang akong hindi nauuna sa carbonara. Wala ng pinalagpas na araw ang mundo na hindi ako asarin, palibhasa alam na alam na kaya kong tiisin ang lahat ng 'to.

Iginiya ni Drei si Koji sa na umupo sa harapan n'ya, sa harapan naming lahat. Kaya lahat kami ay itinaas ang tingin sa kaniya.

"Koji, lead the prayer." Drei whispered.

Gumuhit ang gulat sa mukha ni Koji at tumingala kay Drei, itinuro n'ya pa ang sarili n'ya habang pantay na nakataas ang kilay.

"Ako?"

Tumango ako at ganoon na rin ang iba, nakangiti pa ang kambal at nakaabang kay Koji. Kahit ako gusto ko ulit marinig 'yung malakas na pagbigkas n'ya kapag nagdadasal.

"Bilisan mo na, Ji. Nagugutom na si Kenji, e. Naririnig ko na 'yung sigaw ng bulate n'ya." bulaslas ni Red dahilan para magtawanan ang lahat.

Masaya? Tang ina nito. Ako nanaman ang nakita. Wala ng ibang friends? Ako na lang parati ang trip?

Peke akong ngumiti at dahan-dahan lumingon kay Red. "Ah talaga? Anong sabi?"

Humalakhak s'ya. "Buhay ay 'di karera, kaya maghintay ka."

Ewan ko kung anong kumiliti sa utak ko at natawa nalang din sa joke n'ya. Kapag kasi galing sa kaniya, parang nababago ulit 'yung joke. Idagdag pa ang malakas na tawa ni Taslan, nahampas n'ya pa si Wesley sa braso na wala namang ginagawa.

"Tama na, Taslan! Ikalma mo!" Saway ni Math na sinisilip pa si Taslan mula sa kabilang side. Itinikom ni Taslan ang bibig n'ya at umupo ng tuwid.

Pinagtawanan namin iyon ni Red pero nang lingunin kami ni Math at sabay kaming tumahimik. Parang mga tutang tinahulan ng nanay. Nanay talaga namin 'to si Math, e. Kapag masyado ng magulo, taga saway s'ya. Hindi s'ya humahalo.

"Let us pray," ngumiti si Math kay Koji at tinanguan ito.

Koji confidently smiled as he sat up straight. When he did the sign of the cross, we all imitated him by bowing our heads and closing our eyes at the same time.

"Lord, thank you po sa pagkain na pagsasaluhan namin, labing isa po kami ngayon." Panimula n'ya.

I smiled at what I heard. He's saying it in a very cute way, like a kid. Also, did he count us? He counted all of us. Are we that important to you now, Koji?

"Sana po mag enjoy kaming lahat ngayong gabi kasi malapit na 'yung pasukan, magiging busy na po ang lahat. Sana po walang problemang dumating sa amin. Sa anim."

Wala sa sarili akong dumilat sa narinig. Nang tignan ko ang mga tropa ko, nakadilat din sila, nakatingin kay Koji at may simpleng ngiti sa mga labi. Siguro dahil narinig nila 'yung 'anim'. Kami ba 'yon? First6?

"Sana po ibalik na 'yung club nila Math." Kami nga.

Thank you, Koji. For including us to you prayers.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now