Tumigil s'ya at saka dahan-dahang lumingon saakin. Mapangasar akong ngumiti sakaniya. Octopus pala, ah. It's my turn.

"Jellyfish 'yan, ha." Pagpapaalala ko. I smiled widely as if I had avenged myself after being bullied earlier.

Nanliit ang mga mata n'ya at naibagsak ang laruan sa hita. "Edi jellyfish, ang lungkot naman ng buhay mo."

Napawi ang ngiti ko at ipinatong ang siko sa sandalan. Ang paguugali n'ya talaga. Mabuti na lang at sanay na ako. Ang sarap sanang pang-gigilan, e.

Hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa mga junk foods na nasa paanan namin. Kailangan ko talagang habaan ang pasensya ko, at saka kaya ko naman. Lalo na't s'ya lang ang gusto kong makasama hanggang sa pag-tanda. Kaya kailangan ko talagang masanay.

"May kapatid na si Koko." Koji suddenly utter while gently caressing the stuffed toy.

I looked at him with confusion as I lean lower to get his attention. "Koko? Sino 'yun?"

Sumipa s'ya ng sulyap saakin at tinaasan ako ng kilay. "Anak kong stuffed toy."

Anak?

"Stuffed toy? 'Yung shark? Anak mo 'yun?" Sunod-sunod na tanong ko habang nanliliit ang mga matang tumitig sakaniya.

"Oo, bakit?" Mataray n'yang sagot. Galit nanaman s'ya, nagtatanong lang naman ako.

"Tapos may pangalan?"

"Meron, Koko Annaken."

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko. "At may surname pa?"

"Nangingialam?" Mabilis n'yang sagot. Galit agad?

"Hindi naman." Ngumuso ako at ipinatong ang hita sa bench para humarap sakaniya. Tinignan n'ya pa ako ng masama nang muntik nang dumikit ang tuhod ko sa legs n'ya. Marumi ba ako?

Hinayaan ko nalang iyon dahil may iba akong gustong sabihin. Mas interesting 'yung pagbibigay ng pangalan sa stuffed toy, e.

Sinuklay ko ang buhok habang malokong nakangiti sakaniya. "Edi dapat... may pangalan din 'tong jelly fish ko."

"Jellyfish mo?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak n'ya at tumawa s'ya ng malakas. It was a mockingly laugh causing my smile to fade away.

Hindi naman ako nagbibiro, ah?

"Ba't ka tumatawa?" Tinaasan ko s'ya ng kilay. Tumigil naman s'ya sa pagtawa pero nangaasar parin ang mukha n'ya.

"Baka jelly fish... Ko?"

My lips parted in disbelief. Mariin ang pagkakasabi n'ya no'n habang itinuturo pa ang sarili n'ya. Hanep? Para 'yon lang? Hindi talaga pinalagpas.

Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa gulat. Iba rin 'tong si Koji. Dapat kasi inihatid ko na 'to sa Japan noong una palang, e. Biro lang.

"Jelly fish ko." He repeated. He faked a smile while leaning towards me, squinting his eyes forcefully, while also showing his dimples. Nakakainis pero cute, ha.

"Oo sige, Koji. Jellyfish MO." I also forced a smile at him while doing a nose crunch. It's like we were teasing each other as we leaned in, smiling teasingly.

Our faces suddenly turned serious as we rolled our eyes at each other, while simultaneously moving away from each other. I find it cute though.

He played with the jellyfish stuffed toy again. He twirled the tentacles and then removed them when he reached the end.

And because I'm mischievous today, I snatched it from him. He looked at me in surprise but didn't take it back anyway.

"So dapat may pangalan din 'tong jellyfish MO." Mariin kong sabi. Gumaganti lang.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now