Sinamaan n'ya ako ng tingin at galit na hinawi ang kamay ko. "Hindi ko 'yan isasagot sa argument, kasi tatagain na kita sa susunod."

I took a slight step back in surprise. He's about to throw a punch, but I quickly held his arms and laughed.

Ewan ko nalang kung joke pa ba 'yun. Sa ugali n'ya kasi, may possibility talagang kaya n'ya akong tagain.

"Mga Sir? Maglalaro ho ba kayo?"

Mabilis na hinatak ni Koji ang kamay n'ya mula saakin at saka lumingon sa taong nagsalita. S'ya yata ang nagbabantay dito.

Tumayo rin ako ng tuwid at sinabayan si Koji sa pagtango. "Maglalaro po kami, magkano po ba isang game?"

"Singkwenta lang, Hijo." Sagot ng matanda saakin. Tang ina? Singkwenta?

I was about to make fuss about it, because damn? It's hella expensive! It's not affordable for a broke kid like me. But Koji suddenly nudged me, so I stopped myself.

He took a step back and whispered, "'Wag ka na mag reklamo, hayaan mo na."

"Singkwenta? Bente lang 'yun-"

Siniko n'ya ulit ako at sinabayan pa ng galit n'yang paglingon. Naitikom ko ng mariin ang aking bibig at parang tutang takot na tumingin sa matanda.

"Maglalaro po kami, nasaan na po 'yung dart?" Magalang na tanong ni Koji sa kaniya.

Ngumiti saamin ang matanda at naglakad papunta sa loob ng game booth. Bumalik s'ya na dala ang tatlong dart, marahan n'yang iniabot iyon kay Koji.

"Salamat po."

Napairap na lang ako ng tignan ako ni Koji, parang humihingi pa ng validation, e.

"Start ka na po, kamahalan." Ngumiti ako ng peke sakaniya. Oo, sige na, maglaro ka na.

Pero hindi talaga ako kumbinsido sa singkwenta, e. Ilang cheese cake na rin ang mabibili ko ro'n, ah. Dalawa.

"Oh, ikaw na maglaro." Iniangat n'ya ang mga darts sa harapan ko kaya dumako doon ang paningin ko.

My eyebrows furrowed in confusion. I didn't say that I would take the shot?

"Ba't ako?"

"Ikaw naman nag-aya."

I rolled my eyes and scoffed. Sino bang masusunod dito?

"Alright." S'yempre s'ya.

I swallowed hard before I took the darts from his hands. Sa totoo lang kinakabahan ako kasi hindi naman ako marunong maglaro ng ganito. Bakit kasi dito n'ya pa napiling maglaro?

"Lobo ang tatamaan, ha. Hindi 'yung bantay." Panunutya pa ni Koji na tinaasan ko lang ng kilay.

Ba't ko naman tatamaan 'yung bantay? Hindi naman ako gano'n ka-demonyo. I mean... It depends.

"Watch and learn." I fired back while looking at him with swag. Mayabang pa ako sa lagay ko na 'to.

"Puro salita naman." Ngumiwi s'ya at humalukipkip. Tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Aba?

I just gave him a side-eye while positioning myself. I think he knows that I don't know how to do it, so he's teasing me. He's bullying me. Help.

I leaped and threw the first dart. The surroundings seemed to slow down as I did it, and there it was... I almost hit the old man watching the game booth.

My eyes widened in shock. I quickly straightened my shoulders and forced a smile. "Sorry po!"

I apologized by raising my both hands. Luckily, hindi naman s'ya nagalit sa'kin. He smiled at me and raised his hands as well.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now