Everything felt complete at that moment. Even though I was surprised by what he said, the overwhelming feeling of joy I felt prevailed, actually it's mixed. Happiness, excitement, surprise, and giddiness.
I pouted and tried to hold back a grin. I turned to the window and resisted the urge to kick my feet in excitement. I could see Koji glancing at me in my peripheral vision. Even he's judging me, those eyes intensifying my giddiness.
"Ayos ka lang?" He gently poked my shoulder.
I couldn't contain it anymore and I stepped out of the car, which surprised him.
"Hoy! saan ka pupunta?" Sigaw ni Koji na hindi ko na muna nilingon at baka ngumiti ako ng malawak kapag tumingin ako sakaniya. Nakakahiya naman.
"Saglit lang, kinikilig ako." Pag-amin ko at saka namaywang sa labas ng kotse. Humangos pa ako at humawak sa buhok bago ko sinapo ang noo. Pinipigilan ang kilig. Nag-uumapaw kasi, e.
"Parang tanga naman 'to! Bumalik ka nga rito!" Koji shouted again but I quickly shook my head.
"Ayaw ko. Ikaw kasi!" I pressed my palms against the open door and rested my forehead on the back of my hand, just like I'm bowing to someone.
Naramdaman ko nalang na lang na may tumama sa likod ko. Nilingon ko s'ya at napatingin sa baba. Binato ba naman ako?
"Did you just threw my bag?" I gasped in disbelief. But it's okay, I'm not hurt anyway. Kahit batuhin n'ya pa ako ng bato, s'ya pa tatanungin ko kung ayos lang ba s'ya.
"Pumasok ka rito!" Galit na sigaw n'ya at saka idiniin ang palad sa upuan ko. Gagapang na yata palabas.
Umiling-iling ako at ibinalik ang noo sa kamay ko. "Lemme just... meditate."
At seryoso ako tungkol doon. Kalmado na ako kanina pero parang ginulo n'ya ulit buong nervous system ko dahil lang sa sinabi n'yang 'yon.
"Baka may makakita sa'yo d'yan, isipin na baliw ka." He mumbled.
"Ayos lang. Kahit dalhin pa nila ako sa mental hospital." Biro ko sa seryosong boses. Sandali ko s'yang sinilip at nakatitig din s'ya saakin kaya yumuko ako ulit. Hindi na s'ya sumagot at umirap nalang saakin.
Nakakainis naman kasi. Palibhasa alam n'ya kung papaano ako pakiligin, e! Halos mangisay na ako.
Ilang minuto rin ang tinagal bago ko nakayanang pumasok ulit sa kotse. Umiirap pa s'ya saakin pero hinayaan ko na lang. Sanay na ako d'yan.
We finally decided to leave once I had calmed down. We went home to just to change clothes. Nauna pa akong makapag-ayos kaysa sakaniya, excited kasi talaga ako. Inaamin ko naman.
Wala kasi sila Red at Drei, busy naman si Math kaya naman kaming dalawa lang talaga. Pabor din sakin 'yun. Mas gusto ko rin pag kaming dalawa lang.
Buong byahe s'yang nakadungaw sa bintana. Kapag may pagkakataon naman na bumabagal ang usad namin ay kumukuha s'ya ng mga pictures. Kaya sinasadya ko nalang na bagalan ang pagmamaneho kapag iniaangat n'ya ang cellphone n'ya. Para mas makakuha s'ya ng magandang shots. Gano'n ako ka-supportive.
Kayang-kaya kong baguhin ang takbo ng buhay ko para lang sabayan s'ya. Age gap? Handa akong bagalan ang takbo ng buhay ko-para lang pumantay sakaniya. Hihintayin ko s'ya kahit na gaano pa katagal, hanggang sa pwede na.
Sinalubong kami ng malakas na tugtog sa venue ng kaogma festival. Random music palang dahil hapon pa, wala pang mga artist. Naglakad din kami papasok at medyo malayo ang parking space, para hindi sagabal sa mga taong pumupunta. Hapon pa lang pero marami na kaming nakaka-sabay na maglakad. Isa rin talaga sa inaabangan ang Ben and Ben, e.
ČTEŠ
Go Through The Spark (Red String Series #1)
NezařaditelnéA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 21
Začít od začátku
