Balak ko sanang buksan ang flashlight nang maramdaman ko ang malambot na bagay na dumampi sa hita ko.

"Para kang..." He seems hesitant on what he wanted to say, bumaling naman ako sa hita ko at kinapa ang iniabot n'ya.

Base sa nararamdaman ko, parang stuffed toy yata 'to.

"Para kang batang iniwan." Pagpapatuloy n'ya.

A kid?

Mabilis akong lumingon sakaniya, wala s'yang kibo pero rinig kong humangos s'ya.

Did he just come home early because he felt sorry for me? Well, that's fine with me tho. Tama naman si Koji ,e. Kulang na nga lang habulin ko s'ya kanina at kumapit sa paa n'ya habang umiiyak para isama n'ya ako.

Sa halip na magreklamo sa kung ano ang sinabi n'ya, binuksan ko nalang ang flashlight ng cellphone ko at napapikit pa ako dahil sa lakas ng brightness.

"Stuffed toy?" Napangiti nalang ako kahit gulat sa nakita. Hinahaplos ko iyon at parang unan sa lambot at laki, color blue rin.

Napasulyap pa ako sakaniya nang mapansing may kinukuha s'ya sa bag n'ya. Maya-maya pa ay tumayo s'ya at pumunta sa may pinto saka binuksan ang dim light.

I smiled because I can finally see him. Suot n'ya parin 'yung damit n'ya kanina at nakasapatos pa, siguro ay kararating n'ya lang din.

"Shark 'yan." Itinuturo n'ya ang hawak ko habang papaupo sa tabi ko, na sinundan ko naman ng tingin kasabay ng pagbaba ko ng cellphone.

Ayos, may pasalubong pa nga. Shark din, ha? Huwag n'ya naman sanang sabihin na gusto n'yang ilagay 'to sa fish tank?

"Para saan 'to?" Nakangiti kong tanong at idinako ang tingin sa kamay n'ya, nakita kong hawak n'ya ang instax na ginamit namin nang nakaraang gabi.

"Basta, napanalunan ko sa..." huminto s'ya sabay click ng instax.

Natigilan nalang din ako at pinanood s'yang kunan ng picture ang stuffed toy nya, habang nasa hita ko. Nakatitig lang ako sa mukha n'ya habang s'ya naman ay nakangiti rin, masayang kumukuha ng photo. Napapikit pa ako nang magflash iyon.

"Napanalunan ko sa perya." He said. I nodded at him while my eyes were still at his face.

Naalala ko noong unang beses ko s'yang iniwan kay Math sa arcade. Tatlong stuffed toy din 'yung nakuha n'ya ro'n, magaling nga talaga s'ya.

Pagkatapos makakuha ng magandang shot ay ibinaba n'ya ang instax at hinintay na lumabas ang film.

"Ang ganda mo." I whispered out of nowhere.

Doon ay natigilan s'ya at mukhang nagulat sa narinig. Dahan-dahang s'yang napatingin saakin. Tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Pero wala akong pakialam ngayon, hindi ko alam kung dala pa ba ng lagnat 'to pero gustong-gusto ko nang umamin. Lalo na't kalmado s'ya ngayon sa tabi ko, bibihira lang 'to.

"A-Ano 'yun? Pakiulit." He breathed while fanning the film and his eyes we're a bit widened.

My lips stretch a bit while drunkily locked my eyes at his face. "Ang sabi ko, ang ganda ganda mo Koji."

I saw his dimples showed when he formed a bread smile and look away. I also controll my self to giggle even seeing him smiling because of me is tickling my heart.

Tang ina. Kahit isang milyong ulit pa Koji. Kayang-kaya kong gawin 'yan, sabihin mo lang. Kahit yata sabihin n'yang i-status ko iyon sa Facebook account ko, gagawin ko.

Pero binawi n'ya naman agad ang ngiti n'ya at Ipinakita nalang saakin ang film na tinignan ko naman, parang iniiba n'ya yata ang usapan, ah?

Kita sa polaroid ang sport shorts ko at ang kamay kong nakahawak sa stuffed toy. May date din iyon kaya mas memorable tuloy.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Where stories live. Discover now