"Try me!" I answered while raising my middle finger. Si Bial naman ay mahigpit ang kapit sa'kin at baka makawala ako dahil talagang buburahin ko ang mukha ni Froi kapag nahawakan ko s'ya.
"Putang ina mo!" Pagmumura n'ya pa na talagang nagpainit ng dugo ko, kung hindi ko nakitang nag mamartsa si Coach papalapit saamin at masama ang tingin sa kabilang team, ay baka nasapak ko na si Froi.
"What is the meaning of this!?" Galit na sigaw n'ya kaya napaatras kami, sila Froi naman ay parang mga tuta na takot at natahimik habang nakatikom ang bibig. Mga duwag din pala, e.
"Ikaw Froilan, kakasali mo lang sa team n'yo bakit ang yabang yabang mo na, ha!?" Lumapit si Coach sakanila at namaywang dahilan para mapaatras din sila ng kaunti.
"Nagaaya lang naman kami ng tune-up," sagot ni Froi na tinanguan si Coach at mukhang hindi parin kumbinsido sa sinabi n'ya.
"Ah, tune-up? Tune-up or away?" Mariing tanong ni Coach sakanila habang pekeng nakangiti.
Rinig ko pa ang tawa nila Bial sa likod ko habang ako naman ay ikinakalma na ang sarili. Baka kapag naalala ko lahat ng kasalanan n'ya saamin mawalan ako ng control.
"Tune-up lang naman-"
"Bawal nga ang tune-up! Hindi n'yo ba alam 'yon, ha?!" Malinaw na sigaw ni Coach dahilan para mas mapaatras sila sa takot na mas tinawanan din nila Bial. "Bumalik na nga kayo sa training n'yo! Mga istorbo!"
Mabilis na nagsitakbuhan sila Froi at mga kasama n'ya pabalik sa kabilang dulo ng field, pinatawanan lang sila nila Bial at nag high-five pa sila sa harapan ko, pero natigilan din nang dahan-dahang humarap saamin si Coach at mukhang kami naman ang pagagalitan. It's our turn.
"And as for you boys," peke rin s'yang ngumti saamin. "anong sabi ko sainyo?"
Ngumiti ako ng alanganin habang ang mga ka-team-mates ko naman ay napaatras nang maglakad s'ya papalapit, napalunok ako at nanatili lang sa kinatatayuan.
"Coach sila naman nauna, e." Giit ko sabay nguso at napatingin sa hawak n'yan papel nang iangat n'ya ito, umiling-iling s'ya at nag aambag hahampasin ako no'n na inilagan ko naman kahit hindi pa dumadampi saakin.
"Sumasagot ka pa?"
Malamang, nag tanong ka, e? Pero s'yempre hindi mo naman pupwedeng sabihin 'yan kaya nanahimik nalang ako at nakinig sakaniya.
"Hayaan n'yo sila." namaywang si Coach habang tinuturo ang kabilang dulo ng field, tumango-tango kami at napayuko nalang habang nakikinig sakaniya. Heto na, daig pa ang sermon sa simbahan.
"Hayaan n'yo sila na maghabol sa'yo." Singit ni Bial kaya tinignan ko s'ya ng matagal dahil wala naman connect 'yon sa pinag-uusapan, parang familiar din kasi.
"Joke, lyrics 'yon." Agap n'ya kaya sabay-sabay kaming napaismid, sabi ko na, e. Si Coach naman ay halos mabatukan na s'ya.
"Bial!" Sigaw ni coach kaya natahimik s'ya at ngumiti ng alanganin. "Anong tittle n'yan?"
Nagtawanan sila na parang magbabarkada habang ako nakangiwi lang at hindi mapakali, seryosong usapan pero todo hagalpak ng mga 'to.
Sabay-sabay pa silang tumigil sa pagtawa at naging seryoso nanaman, mas weirdo pa sila kaysa saaming magto-tropa kapag nagsasama-sama. Siguro gabi-gabi silang puyat?
"Ayun nga, huwag n'yo kasing pansinin." Natatawa pang sabi ni Coach kaya hindi ko magawang seryosohin ang mga sinasabi n'ya. Sila Bial naman ay tumatango-tango na parang kinder habang nagle-lesson ang teacher.
"Wala namang gustong gawin 'yang mga 'yan kung hindi magyabang, maghamon. Mga walang disiplina." Coach voice strengthen when he mention 'discipline'. Ganoon s'ya palagi, disiplina over yabang daw na tama naman para sa'kin.
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 15
Start from the beginning
