Bumagsak ang balikat at ang ekspresyon ko nang mapagtantong si Froi iyon, kaya pala ang yabang maglakad.
Tangina, bakit naka jersey 'to? Sumali din 'tong hayop na 'to?
Ngumisi ako at mayabang na tumayo saka pinantayan s'ya ng tingin, malabo man sa paningin ko pero sigurado akong si Froi talaga iyon lalo na nang nasa harapan ko na s'ya. May mga kasama pa s'yang lalaki masama pa ang tingin saakin, ang mga ka-team-mates ko naman ay pumunta na rin sa tabi ko at hinarap sila.
"Bawal ang tune-up, hindi n'yo ba alam 'yun?" Walang emosyong sagot ni Bial na kakabalik lang sa training, umakbay s'ya saakin. At kung ano man 'yung sinabi n'ya , totoo 'yun. Iyon naman talaga ang laging pinapaalala saamin, nasa rules din.
Tumawa si Froi at umiiling na lumapit sa'kin, taas noo ko s'yang tinignan pabalik habang binabasa ang labi.
"Bakit?" He tilted his head and raise his eyebrow, trying to pissed me off. "Na duduwag ba 'tong... goalkeeper n'yo?"
They laughed together by insulting me but I remained calm since I don't want to be involved on their shits. Hindi pa nga magaling ang pasa n'ya sa mukha gawa ni Math, inaangasan n'ya nanaman ako.
I just smirked at him, trying to stretch my patience a little bit long while Bial pretended to join in their laughter, his arms holding me tight, siguro alam n'yang papuputukin ko ang nguso ni Froi kapag napikon ako.
"I'm not," I answered briefly then crossed my arms. Tumigil sila sa pagtawa at seryosong tumingin saakin.
"Tune-up nga umaatras na kayo, paano kaya kapag totoong laro na?" Panunuya ni Froi na mahina naming tinawanan ni Bial kahit sa totoo lang ay napipikon nanaman ako, pero kailangan ko maging kalmado.
Ayaw kong magkaroon ng record sa guidance lalo pa't nagpapalamig pa kami para sa club, at para na rin kay Koji. Takot s'ya ganito, ayaw ko maging basagulero sa paningin n'ya.
"Hindi kami umaatras," natatawa pa na sabi ko. "Sumusunod lang kami sa rules."
"Rules?" Nagtatakang tanong ni Froi habang nakakunot ang noo, na muntikan ko ng tawanan kung hindi ko lang naalalang seryosong usapan 'to. Ang bobo ng hayop, sumali sa soccer team nila wala naman palang alam.
Bial's eyebrow knit. "Hindi mo pala alam, e? Bakit ka pa sumali?"
Tuluyan na akong natawa at hinampas ang balikat n'ya, ngumiti lang s'ya at mukhang proud sa sinabi habang iniaangat ang jersey para makasagap ng hangin ang katawan.
"Nangaasar ka ba?" Galit na tanong ni Froi kaya napalingon kami sakaniya habang natatawa parin, kung nandito lang ang First6 paniguradong lutong-luto s'ya sa pagaasar. Buti nga mga ka-team-mates ko lang ang narito, e.
"Simpleng rules hindi mo alam? Anong gagawin n'yo sa field n'yan? Magyayabang?" I mocked him. I pretended to be concerned and shook my head, followed by Bial who also act like he's worried, doing a puppy eyes.
Akma na sanang susugod si Froi na papatulan ko naman sana kung hindi lang ako hinawakan ng dalawa sa balikat.
Oh, bakit? Sila naman nauna. Basta hindi ako unang susugod, ano ako tanga?
"Calm down, Mendez." Bulong ni Bial kaya umatras ako habang pinigilan din ng mga gago si Froi na palong-palo talaga sumugod.
"Don't mind him, huwag mo patulan." Sabi pa ng isa naming ka-team.
May mga pasa pa nga s'ya sa mukha balak n'ya nanamang dagdagan. Ano s'ya si Pacquiao?
"Humanda ka Mendez! Makikita mo hinahanap mo!" Sigaw pa nito habang nagpupumiglas sa mga kasama n'yang mukhang takot naman, takot ma disqualified.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RastgeleA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 15
En başından başla
