Tumawa kami at saka palang n'ya isinara ang pinto habang ako naman ay sumilip pa ng isang beses kaya binatukan n'ya ako ng malakas.

Hahayaan ko nga bang lumayo? S'yempre hindi 'no!

"Tara na, kailangan na natin matulog. Hahakutin pa natin ang mga instruments pabalik sa studio bukas." Umakbay saakin si Math habang iginigiya ako pabalik sa sala.

Nakakunot noo ko naman s'yang tignan kahit natatawa parin. "Bukas na ba 'yon?"

"Oo," sagot n'ya bago Ngumiwi at mapangasar na tumingin saakin. "Hindi mo alam, 'no? Kasi wala kang phone."

Humiwalay ako sakaniya at sinipa s'ya sa binti na ginawa n'ya naman pabalik saakin. Nag wrestling pa talaga kami bago matulog sa tabi ng tatlo na mahimbing na ang tulog sa sala, parang mga sardinas sa sahig.

Halatang si Red ang pinakamagalaw dahil bumaliktad na s'ya, nakatihaya s'ya at yakap ang paa ni Taslan habang si Drei naman ay nahulog na sa foam. Si Taslan naman ay nakadapa sa higaan habang nakakapit sa buhok ni Drei. Napailing nalang kami ni Math, tinitignan kung saan pupwesto.

Pabiro pa akong tumakbo papunta sa kwarto ni Koji pero mabilis akong hinatak ni Math, sabay-sabay daw kaming mag tiis sa sala hangga't hindi pa kami lumilipat.

Sayang, I really wanted to stay beside Koji pa naman. Until now, I can still feel his embraced, his hug on my neck. His scent lingers on the hoodie I'm wearing. It's like he's imprinted on my body, wherever part of my body is...he's engraved.

Especially on my heart.

"Mendez? Mendez nakikinig ka ba?" Bumalik ako sa ulirat ng kalabitin ako ni Coach sa balikat, kanina n'ya pa pala ako tinatawag.

"Po?" Mabilis na sagot ko saka inayos ang postura. Nakatulala lang kasi ako sa field at malalim ang iniisip, s'yempre 'yung kagabi parin. "Ano po 'yun?"

Umismid si Coach at napailing bago ako hinawakan sa balikat. "Ang sabi ko, dati parin ba ang ipapalagay po sa Jersey? Customize tayo ngayon."

Natawa naman ang mga ka-team-mates ko dahil sa paraan ng pagbigkas ni coach na parang ipinaiintindi talaga saakin ang sinabi n'ya. Tumango nalang ako sa sinasabi n'ya kahit hindi ko masyadong na-gets. Customize? So kahit ano pupwedeng ipalagay sa jersey instead of surname?

"Kahit ano po?" Tanong ko dahilan para mapapikit s'ya ng mariin, natawa rin ang mga ka-team-mates ko na sinamaan ko naman ng tingin.

"Customize nga, 'di ba? S'yempre bahala ka." Mariin na sabi ni Coach at saka palang iyon nag sync in sa utak ko. Tumango ako habang nag-iisip kung ano bang ipapalagay sa jersey. Shit. Lutang na lutang na pala ako, kahit sa meeting namin hindi ako nakikinig. Hindi pa ako makapag-isip ng maayos.

Diretso akong tumingin kay Coach at napalunok pa bago sumagot. "'Yung dati lang, Coach."

Ngumiwi s'ya at parang dismayado naman ang mga ka-team-mates ko kaya nagdalawang isip pa ako kung iyon na ba talaga.

"Dati lang? Bakit?" Kuryusong tanong ng isa sakanila habang nakaakbay pa sa balikat ko, siniko ko s'ya at umirap.

"Wala, ayaw ko lang magpalit." Maikling sagot ko dahilan para magtawanan sila na sinamaan ko lang ng tingin. Ano bang pakialam ng mga gagong 'to?

"Okay? So it's your middle name again? Lee, jersey number one.." bulong ni Coach habang nililista iyon sa papel.

Number one? It's too plain and it has no meaning. Damn, i guess I can't change that because it I'm a goalkeeper. But I want the number that will remind me of someone.

I cleared my throat and looked at him hesitantly. "Number fourteen, Coach."

They all turned to me at the same time, looking surprised at what I said. I slightly leaned back as they gazed at me with puzzled expressions.

Go Through The Spark (Red String Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant