"I told you to read him." Dagdag ni Math nang mapansin na natahimik ako.
"I already did," i crouched a bit. "And I...ended up falling for him, Math."
Napatingin saakin si Math na namimilog ang mga mata, parang sinasabi na baka marinig iyon ni Koji. Pero ang alam ko, pagod na pagod na s'ya kanina pa. Siguradong mahimbing na ang tulog n'ya.
Tumingin sa kawalan si Math habang iniaangat ang binti sa kama. "Paano 'yan? 'Yon ang usapan."
Pumantay ang kilay ko at apalunok. Paano nga ba? Dapat pa bang pagisipan 'yon?
"Wala ng alisan 'to, Math. Ayaw ko." I mumbled.
Math scoffed and shook his head slightly as he raised his eyebrows. "Sa tingin mo bakit mo s'ya gusto?"
Napaisip ako ulit, bakit ko nga ba s'ya gusto? Paano ba ako nahulog? Napangiti ako habang libo-libong dahilan ang sumasagi sa utak ko, pero isa lang ang nangingibabaw.
"I want to take care of him," I slowly sat on the chair beside his bedside table and gazed at Koji's face once more. "for the rest of my life."
"I want him to be safe in my arms, Math." I added.
"Wala na ngang alisan 'to. Hulog ka na, e. Nag swimming ka pa." Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Math habang inaayos ang kumot sa paanan ni Koji.
"Oo na, inaamin ko naman." Natawa na rin lang ako at ngumuso upang pigilan ang pag-ngiti ng malawak.
Tatanggi pa ba ako? Alam ko naman sa sarili ko na sumasayaw-sayaw pa ako sa baba, nang mahulog ako sakaniya.
"Ba't hindi mo na ligawan?" Ngumisi si Math. Natigilan ako at binasa ang labi.
Gusto ko s'yang ligawan. Gustong gusto. Pero paano kung ako lang 'yung nakaka-ramdam nito?
Kunwari akong natawa at napakamot sa batok habang ang siko ay nasa tuhod. "Paano? Baka kasi-"
He cut me off. "Ayan ka nanaman sa 'baka' 'paano?', hindi mo naman sinusubukan."
Parang galit ang tono n'ya pero natatawa parin, ngumiti ako kahit na natamaan ako sa sinabi n'ya. Nakakatakot naman kasi sumubok lalo na't marami pa akong dapat alamin sakaniya, nakakatakot kasi... baka ako lang. Ako lang 'tong baliko sakaniya.
Math stood up and slowly stepped towards the door again. "Kung hindi po s'ya liligawan. Kabisaduhin mo muna s'ya. Basta siguraduhin mong liligawan mo, ha. Kapag gusto ko, suyuin at ligawan mo. Baka maunahan ka... ikaw rin."
Tumango ako nang humarap ulit s'ya saakin at sumandal sa pinto. "Maging mabait ka sakaniya. Then, next step na."
Next step? Confession?
"Iparamdam mo sakaniya na gusto mo s'ya. Gets mo?" Tumango-tango si Math habang binubuksan ang pinto, ako naman itong naguguluhan na tumayo para lumabas na sa kwarto ni Koji.
Humangos ako at napatingin ulit kay Koji na mahimbing na ang tulog. "Paano kapag lumayo?"
Tumawa si Math habang kinakamot ang noo bago napaisip. "Edi lumayo, kasali na 'yon. At least you tried."
Napakunot noo akong lumingon sakaniya habang s'ya naman ay iniaangat ang kilay ay nakangiti saakin.
"Edi lalayo nga? Parang hindi ko naman kaya 'yan, Math." Naglakad ako papalapit sakaniya at s'ya naman itong sumabay sa paglabas ko. Humarap ulit ako sa pinto at sinilip pa si Koji doon.
"Hahayaan mo bang lumayo?" He asked me while smiling at me meaningfully, his question gives me courage and good thoughts.
Ngumiti ako at umiling-iling. "No."
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 14
Start from the beginning
